35

8 3 0
                                    

Muli akong nagising ng dahil sa araw, muli na namang nakatutok ang sinag ng araw sa muka ko. Naramdam ako ng pagkairita kaya naman lumingin ko sa kung saan ang pwesto ni Aj. Wala na ulit siya.

Kinapa ko ang side table kung saan lagi ang phone ko. Walang papel. Kaya naman kinuha ko ang phone ko at binuksan iyon.

From Love
You can go here at 1 pm. I wake you up but you told me you're tired and you want more sleep. Wake up Baby, eat your breakfast. See you later, I can't pick you up. I have meeting with other CEOs. Take Care, I told kuya Rey to take you here. See you! I love you!

Napalitan naman ng magandang ngiti ang aking mga labi dahil sa nabasa. Kanina pang 7:30 iyon at ngayong 10 ko lang nabasa.

Nagkaroon naman ako ng dahilan para pumasok ng masaya at masigla.

Nang makababa ay agad namang sumilay sina Lyn at Lina na nag lilinis. Mukang tapos na sa taas. Dito na kasi sa baba naglilinis.

"Good Morning, Mrs. Lorenzo" masayang bati nila nang maramdaman ang presensya ko

Mas napangiti naman ako sa kanila itinawag sa akin.

"Nasa lamesa po ang umagahan niyo, si Mr. Lorenzo po ang nag luto" nakangiting wika ni Lyn at tinuro ang lamesa sa pamamagitan ng kaniyang pag nguso.

Agad akong napalingon doon at nakita ko ang pulang takip, nag tungo naman ako doon at sinimulang kumain.

Iniwan ko ang phone ko sa taas dahil naichacharge.

Nang matapos ay hinugasan ko na, binalak pang agawin ni Lyn ang pag huhugas ko pero hindi ako pumayag.

Nang matapos ay umakyat na din ako at doon muna nag stay, nakaramdam ako ng pagkahilo kaya't nahiga nalang muna ako.

Ilang oras din akong nakatulog, pagising gising pero nakakabalik naman agad.

Nagising ako tanghali na, agad na din akong kumilos para pumasok. Nang makababa ay amoy na amoy ko na ang baho ng niluluto ni Ate Lina.

"Ma'am kain na po" wika niya nang makita niya ako

"A-ah sige po thank you po" wika ko naman, kumuha naman ako ng plato, baso at kobyertos. Kinuha naman niya ako ng mangkok at doon naglagay ng sarciadong manok

Ako naman ay nag tungo sa ref para kumuha ng tubig. Matapos ay kumuha naman ako ng kanin sa rice cooker at nag upo sa hapag kainan

"Sabayan niyo na po ako" wika ko at agad itong tumango

Hindi pa man sila nakakaupo ay nakaramdam ako ng pag baliktad ng aking sikmura, agad akong napatayo at inilabas mula sa tiyan ang mga kinain kanina.

"Ma'am" tawag ni Lina, halata sa kaniyang boses ang pag aalala. Naramdaman ko ang pag punta niya sa may pwesto ko at binigay sa akin ang tubig

Namimilipit na ako dahil halos wala na din akong mailabas. Hinahagod niya ang aking likod.

"Ma'am, inom ka po" wika ni Lyn, may pag aalala

"Ma'am tawagan ko po si Sir" wika din ni Kuya Rey na agad kinuha ang cellphone niya

"K-kuya wa-ag na p- -" hindi ko pa natatapos na bigla na naman akong maduwal

Agad niyang sinunod iyon, nang umayos na ang aking tiyan ay inalalayan nila ako sa aking pag upo

"Ma'am eto po"wika ni Lina at iniabot ang tubig

Ininom ko naman iyon at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Ramdam ko na ang pamumutla ko.

"Labas po muna ako" paalam ni Kuya Rey "Tawagin niyo nalang ako pag kailangan ako" dugtong nito bago umalis, agad tumango si Lina at Lyn.

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon