31

9 4 0
                                    

I woke up early to prepare our breakfast, Aj is still sleeping. I do not want to disturb him. Masyado siyang pagod kagabi.

Nagluto ako ng bacon and egg, pati na din sinangag. Kagabi palang ay sinabi na niya na mag luluto siya noon, naisipan kong gumising ng maaga para ipagluto siya bago kami magpagod ngayon sa maghapon.

*Jess is Calling*

Agad ko naman sinagot iyon kahit pa ako ay may hawak na sandok...

"Hi, Good morning" bati ko habang nakaipit sa pisngi at balikat

[Good Morning, mga anong oras tayo? Kagigising ko lang eh, kasama ko si Sindy] sagot niya

"Text nalang kita baka kasi kina Tito kami dumeretso kukunin pa ibang gamit"

[Osige, text text nalang]

"Sige, see you thank you" nakangiting sambit ko, agad na din pinatay. Mukang hindi pa sila kumakain.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang palad niyang unti unting yumayakap sa akin

"Morning, Babe" bati niya at tinuon ang baba sa aking balikat

Hinawakan ko naman ang kaniyang muka at binigyan ng halik sa pisngi. Hinarap ko ito at niyakap ng mahigpit.

"Upo ka na doon, kakain na tayo" nakangiting sambit ko at hinubad ang apron ko

Ngumiti lang ito at humalik sa pisngi ko, kinuha naman niya ang dalawang plato at ulam na aking nailuto.

Nang matapos kami sa pag kain ay pinapaligo na niya ako, siya na daw ang mag huhugas. Pumayag naman ako at agad na naligo.

Nang matapos siya ay sakto namang natapos na din ako. Deretso na siya sa banyo at ako naman sa kwarto na para makapag bihis.

Naka t-shirt at taslan short lang ako para komportable sa pag kilos.

Nang matapos siya ay agad na din nagbihis. Ako naman ay nag aayos na ng mga gamit ko sa maleta na hiniram ko sa kaniya. Kaunti lang ang damit ko kaya naman pwedeng mailagay na din ang kaniya.

Habang naglalagay na ako ng mga damit ko sa maleta ay siya naman naisasalansan ang mga gamit sa kama....

Nang matapos ako ay isa isa ko na din inayos ang kaniya, para makatapos na kami agad.....

Nang matapos kami ay agad na kaming umalis, dederetso muna kami sa mansion nila Tita Shienna para ipahakot ang ibang gamit. Doon muna kasi nailagay ang mga gamit sa unang mansion, inintay na magkaroon si Aj ng sariling bahay at iyon na ang gagamitin.

Nang makarating ay inayos na agad namin ang lahat. Hindi na kami nag tira para na din isang puntahan, masyadong mapapagod si Aj kung ganoon.

Habang nag mamaneho siya ay kinuha ko ang tubig sa bag ko para painumin.....

"Wife Material" sambit niya at ngumiti sa akin

"Syempre, haha" sambit ko at ako naman ang uminom

"Come here" sambit niya at hinila ako sa kamay

Nang makalapit ay hinalikan niya ako sa noo, sa ilong at sa labi....

Maya maya pa ay nakarating na din kami, ako na ang bumaba dahil sa pagbubukas ng gate. Wala pa kasi ang maid na pinapadala ni Tito pati na din security guard. Ayaw ni Aj na walang security, paano daw kung wala siya sinong kasama ko, hindi na din ako nakapag reklamo dahil alam kong ipipilit pa din niya.

Nang makapasok at mai-parada ay lumapit na ako, excited na ako sa pag aayos. Lalo na sa sala. Gusto ko na mailagay ang sofa at coffee table.

"You look so excited, Babe" sambit niya at inakbayan ako

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon