04

26 3 1
                                    

"Nak!" Tawag ni Nanay sa akin kasabay ng kaniyang pagkatok sa pinto

Agad akong napatiplag kaya napabangon agad "Nay, anong oras na po?" Tanong ko nang makalabas sa kwarto. Naiwan ko pala sa sala ang aking cellphone

"Alas-otso na, anong oras ang pasok mo?" Tanong ni Nanay at agad naman nanlaki ang aking mata

"8 po pasok ko! Jusko! Doon nalang po ako kakain Nay" mabilisang wika ko at tumakbo na sa kwarto ko

Nakupo! Unang araw late agad bumangon!

Nang makapasok ay agad kong inihanda ang aking isusuot para sa pag labas ng banyo ay mag bibihis agad

"Nay! Gising na po si Kio?" Tanong ko kay Nanay, bukas ang pinto ng kwarto ko kaya siguradong rinig niya

"Hindi pa, siguradong naghihilik pa ang kapatid mo" saad ni Nanay at dumungaw pa sa aking kwarto

"Oh eto, ibaon mo na doon ka na kumain" saad ni Nanay sabay abot ng isang Tupperware kung saan nakalagay ang pagkain

"Salamat Nay" saad ko at agad siyang niyakap

"Alis na po ako" paalam ko dito at agad na din lumakad paalis

"Shit! Ano ba 'yan! First Day na First Day late ako! Sana lang may trabaho ako pag dating doon!"

Nang makalabas ako sa street ay agad akong tumawid patungo sa kabilang kalsada kung saan madalas akong mag intay ng jeep

"Ate San ka?" Tanong ng lalaki na sa tingin ko ay kondoktor

Hindi ako nakasagot dahil sa pagdating ng isang jeep, agad akong lumakad ng mabilis upang makasakay na. Hindi ko na pinansin si Kuya dahil malelate na ako

Nang makasakay "Bayad po!" Saad ko na sapat lang ang lakas

Habang nasa byahe ay nakaramdam ako ng kaba, dahil baka imbis na nagtatrabaho na ako ngayon ay naghahanap na naman ako ng bagong trabaho.

From Sindy
Girl! Saan ka na? Late ka na! Nako! Bilisan mo hangga't wala si Sir. Isa pa 'yan dapat bawal kang malate jusko ka!

Text ni Sindy sa akin, kinuha ko nga pala ang cellphone number niya kahapon bago siya bumalik sa trabaho matapos naming kumain.

To Sindy
Nalate ako ng gising! Huhuhu sana lang may trabaho pa ako. Nadiyan na ba si Sir?

Agad ko din naisend, nangingig akong nag tipa ng sagot sa kaniya. Kulang nalang ay lumipad ako para makarating na

Agad akong napatingin sa aking cellphone nang tumunog ito

From Sindy
He's not here yet, so you need to hurry! Nakow! Mainit ulo noon every morning!

Agad akong mas kinabahan nang mabasa ko ang kaniyang huling text, hindi na ako nag reply pa dahil malapit na din akong bumaba, baka kung saan pa ako mapunta

"Para po!" Sigaw ko, hindi ko inasahang malakas ang bibitawan kong salita

Agad silang nagtinginan sa akin ang iba ay nabigla, at ang iba naman ay taas kilay.

"Thank you po!" Saad ko habang naglalakad pababa ng jeep

Agad akong tumawid patungo sa kabilang kalsada dahil doon ang building

Agad akong napalunok dahil si Sir nakita ko na

"Shit!"

"Jusko!"

Sobrang kaba na ang nararamdaman ko!

From Jess (Bff)
Hey! Where are you? Sir Alex is already here!

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon