05

19 3 1
                                    

"Good Morning everyone!" Magandang bati ko kay Nanay at Kio na kumakain na, buti nagising ako ng maaga. Sabihin mo salamat alarm!

"Mukang maganda ang gising natin ngayon ah!" Sabi ni Kio bago kagatin ang pandesal

"Syempre naman" masiglang sagot ko bago umupo sa upuan, kumuha narin ng pandesal at hotdog na hinatai sa apat

"Nay! Kain na tayo" tawag ko kay Nanay na abala sa pag aayos ng dadalahin niya sa palengke

"Sige, saglit nalang ito" sagot nito, lumabas mula sa kusina at may dalang maliit na upuan. Dinadala niya iyon sa tuwing mag titinda, which is Araw araw

"Ate, mahirap ba trabaho mo doon?" Tanong ni Kio habang kumakain kami

"Alam mo Kio, wala naman madaling trabaho! Kaya nga pinag aaral ko kayo para hindi ganito ang maging trabaho niyo" si Nanay ang sumagot "Wala naman masama sa ganitong trabahong pag titinda ng isda o gulay sa palengke pero mas mabuti na din na maging trabaho niyo ay hindi pag tatanggal ng kaliskis at lamang-loob ng isda" dugtong pa ni Nanay

"Ang gusto lang sabihin ni Nanay mag aral ka! Hindi puro tropa!" Pang iinis ko dito, wala naman problema sa pag aaral niya. Hindi man sobrang taas ng grade ay ayos na din, ang mahalaga alam mong may natututunan ka at itinatatak mo sa isip mo. At isa pang mahalaga ay ang maging pasado ka at magamit iyong mga natutunan sa trabahong iyong nais

"Nag aaral naman ako ah" reklamo nito, napakamot sa ulo

"Nag iinom naman" balik ni Nanay, agad kong pinagtawanan si Kio. Sa tuwing iinom kasi kasama ang tropa ay kinakaon namin sa barangay hall

"Kio! Baka naman kaunin ka na naman namin ng ate mo sa barangay hall! Umayos ka" pag babanta ni Nanay.

Agad kong dinilaan si Kio "Bleh!!" Pang aasar ko dito

Hindi ito nag salita bagkos ay sinubo nito sa akin ang isang pandesal

"Sira ulo ka talaga Kio!!!" Sigaw ko dito at agad itong tumakbo papasok sa kaniyang kwarto

"Nay!! Si Kio!!" Parang batang pag susumbong ko dito

"Inisin mo pa, kulang pa" balik ni Nanay, napanguso naman ako ngunit nabago iyon nang makita ni Nanay ang muka ko. Ngumisi siya at ako naman ay natawa

"Nay" tawag ko kay Nanay, matapos kong mag toothbrush

"Eto po" saad ko sabay abot ng unang sahod ko

"Nak! Itago mo iyan! Para 'yan sa mga gusto mong bilhin" saad ni Nanay at isinara ang aking palad kung nasaan ang pera

Hindi na ako nag salita pa dahil baka mainis, mahirap pa naman pag naiinis ito. Hindi ka talaga kakausapin

"Mag ingat ka" saad ni Nanay sa akin bago ako tuluyang makalabas ng gate.

Naglakad nalang ako patungo sa kanto para hindi sayang pamasahe, 6:30 am palang naman kaya hindi ko kailangan mag madali. Makakapunta pa ako kay Jess bago pumunta sa office ni Sir Alex

To Jess
I'm on my way

Text ko kay Jess, hindi ko na inintay pang mag reply, binilisan ko nalang ang lakad ko.

Nang makarating sa shed ay wala pang ilang minuto ay nakasakay agad ako sa jeep

"Uy Mark!" Bati ko kay Mark, nakalapit ko siya sa Jeep, bigla siyang sumakay eh

"Uy! Aga natin ah" puri nito sa akin

"Syempre para hindi mapagalitan ni Sir" saad kong nakangiti

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon