02

32 3 0
                                    

"Have a seat" Sindy said and she pointed the chair in front of her. Umupo naman ako at ipinatong ang aking bag sa kalapit na upuan

Binulkat niya ang aking resume na nasa loob ng folder, nakatingin lang ako sa kaniyang ginagawa. Magkahawak ang aking kamay, sobrang lamig nito hindi lang dahil sa aircon kundi pati na din sa kaba....

"Don't worry, I won't eat you" saad nitong nangingiti, nahalata siguro ang aking kaba "I'm not Aswang or other Kind of Evil" biro pa nito, alam kong ayaw niya lang akong makaramdam ng kaba kaya't dinadaan niya sa biro. Napangiti naman ako ngunit hindi nabawasan ang aking kaba.

Maya maya ay agad na din naming sinimulan ang interview......

Nang matapos parehas na kaming tumayo at kinuha ang gamit.

Paglabas ko ay agad pumasok si Sindy sa sumunod na pinto.

"Ano kamusta?" nakangiting tanong ni Jess, nasa labas siya ng room kung saan ako ininterview, nakaupo siya sa isang sofa malapit.

"Bakla kinakabahan ako, gusto kong umuwi na may dalang goodnews!" saad ko na nakasimangot. Bigla naman akong inirapan nito

"Ano kaba panigurado na iyon!" saad niya at ngumiti sa akin

"Jess!" tawag ng isang hindi pamilyar na boses, lumingon naman si Jess at sumimangot.

"Nandito ka na naman! Ano na naman kailangan mo?!" Pag susungit nito sa tumawag sa kaniya

"Eto naman ang sungit!" Sagot nito kay Jess at nagkamot sa ulo "Pinapadala ni Ms. Pia, Sign mo nalang ang kulang at pwede na ipasa kay Mr. CEO" saad nito at iniabot ang white folder

Agad naman itong kinuha ni Jess at tiningnan muna....

"Mark" tawag nito sa lalaking kausap niya kanina lamang "Bestfriend ko si Ysa" pagpapakilala ni Jess sa akin

"Oh Hi" bati nito at ngumiti sa akin

"Hello" nahihiyang tugon ko

"Mark Gnozales" pagpapakilala nito at iniabot ang kaniyang kamay

"Ysabelle Fernandez" sagot ko naman at nakipag kamay na din

"Yeah! Nice to meet you" saad niya at ngumiti sa akin, "Sige una na ako Jess bye sungit" saad pa nito bago pa tuluyang makalayo

"Wag ka na bumalik!" Pag bibiro ni Jess agad ko ding narinig ang pag pekeng tawa ni Mark at lumingon na may totoong ngiti.

"Come, dito tayo mag usap sa office ko" aya ni Jess

Hindi pa man ako nakakahakbang papasok sa opisina ni Jess ay may tumawag na agad sa akin

"Ms. Fernandez?" tawag ng babae mula sa likod.

Agad naman kaming napalingon ni Jess, si Sindy lumabas mula sa isang Office

"Sir Alex wants to talk to you" sabi ni Sindy at napakamot sa kaniyang batok.

Ayan na naman ang kaba ko! Ysa you can do it, you can answer his questions! believe in yourself!

"Don't worry he's not masungit" bulong ni Sindy nang makalapit na ako sa kaniya

"Trust me!" bulong pa nito nang mahawakan ko na ang doorknob. Ngumiti ako dito at pumasok na sa office.

"Good Morning po" saad ko nang makita ang isang lalaki na nakaupo at may hawak na folder

'Shit folder ko yun!' bulong ko sa sarili ko

Bago pa man ako tuluyang makapasok ay ibinaba niya ang folder na hawak niya

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon