25

15 4 2
                                    

Continuation of 24.......

Nakadating na kami sa isang malaking bahay. Mansion siya pero hindi ito ang mansion na pinuntahan namin noon ni Aj. Iba ito at kitang kita na mas malaki kompara doon sa una kong napuntahan.

"Love, mansion 2 niyo 'to?" Tanong ko dito, nakahawak ako sa kaniyang braso. Naglalakad na kami papasok

"Yeah, si Dad na ang bumili nito" sagot niya natawa dahil sa sinabi kong Mansion 2, naglalakad kami habang inaalalayan ako. Hindi kasi naka-samento ang sahig, gravel

"Si Daddy mo lang? Eh si Mommy mo?" Tanong ko dito, parang batang may kyuryosidad

"I'll tell you when we get home" sambit niya at agad akong napatango.

Habang nag lalakad ay nadako ang paningin ko sa isang batang nakasilip sa pinto. She's wearing a red floral dress and red doll shoes.

"Daddy! Daddy! Kuya Alex and his girlfriend is here!" Sigaw ng isang batang nakasilip kanina lamang sa pinto

"Kapatid mo? Akala k- - " hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang bigla na itong mag salita

"Yeah, My Dad's second wife" sagot niya, inilipat nito ang kaniyang kamay sa aking beywang. Nagets ko na din kung anong ibig niyang sabihin

"Ahhh" nalang sagot ko at hindi na nagtanong pa.

Nang makarating na kami sa isang malaking terrace ay agad bumungad si Tito

"Welcome to Lorenzo's Mansion Ms. Ysabelle Fernandez" pag welcome ni Tito sa akin, napangiti naman ako sa mainit niyang pag tanggap. Lumapit ako para mag mano ngunit hindi pumayag kaya beso nalang.

"Hon, this is Ysa, Aj's girlfriend" pag papakilala ni Tito sa akin

"Hi, nice to meet you, Hija. You look so gorgeous, your white dress suits to you" puri nito sa akin, agad akong napangiti at bumeso din sa kaniya

"Nice to meet you too po, thank you po" magalang kong sambit at bumalik sa kalapit ni Aj

"Ahmmm This is Shiena, My Wife" pagpapakilala ni Tito at tinuro ang asawa

"Hi, I'm Shiena but you can call me Tita Shie" sambit nito at hinila na ako papasok, hawak ko si Aj ngunit napabitaw na din ako dahil nga hinila ako ni Tita

"Go Babe" sambit niya at hinayaan na akong sumama kay Tita.

Hinila niya ako patungo sa sala at pinaupo.

"So, How's your relationship with Alex?" Nakangiting tanong niya

"Ayos naman po, medyo nag a-adjust kasi first boyfriend po" sagot ko at nahihiyang ngumiti

"Mommy, can you open this?" Tanong ng bata, 'yung nakasilip sa pinto kanina

"Oh, wait" sambit niya sa akin at agad binuksan ang isang pagkain na nasa garapon

"Do you want some, A-ate?" Tanong ng bata sa akin at iniabot ang garapon, napangiti naman ako sa kaniya. Ang cute, sarap pisilin ng pisngi

"No, thank you" tanggi ko, at ngumiti naman itong lumakad papunta sa may bandang kusina ata iyon

"Oh, She's my only daughter, Shenna Vavina." Pagpapakilala niya sa akin ng kaniyang anak

"Ilan taon na po siya?" Tanong ko. Parang nasa 8 or 9 years old na ito

"She's turning 8 this coming saturday" sagot niya, napatango naman ako at napalingon sa umupo sa kalapit ko

Si Aj, lumapit at may kinakain na gummy worms. 'Yun 'yung inaalok ni Shenna sa akin kanina lamang.

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon