36

7 2 0
                                    

Nasa floor na ako kung saan ang office ni Aj. Wala si Ate Leah kaya naman deretso na din ako sa office.

Walang tao, pero hindi naka-locked ang pinto. Dumeretso na ako sa upuan at nag open ng laptop. Binuksan ko ang email ng office, marami raming meeting ang haharapin namin ni Aj.

Busy ako sa pag gagawa ng presentation, syempre nakikinig ako ng music habang gumagawa.

Habang nag titipa ay napapasabay ako sa kanta.

Maya maya pa ay nag open ang pinto at napatingin naman ako doon.

Si Sindy at Jess

"Tanghali ka na pumasok noh?" Wika ni Sindy at dumeretso sa gawi ko

"Yes, anong balita? Napasugod kayo?" Wika ko, at pinatay ang laptop. Natapos ko na din kasi agad

"Wala naman chismis, wala din kami masyadong ginagawa kaya sumugod kami" sagot ni Jess

"Teh! Nananaba ka. Anong kinakain mo?" Puna ni Sindy, at pinisil ang aking pisngi

"Whe? Di nga?" Hindi makapaniwalang wika ko

Tumango si Sindy, napatingin naman ako kay Jess at ganoon din ang tango niya. Napanguso ako, pinag papasalamat ko kasi na hindi ako tumataba kahit anong gawin kong kain noon. Pero ngayon? Ano na nangyayare??

Agad pumasok sa aking isip ang mga sinabi ni Lyn at Lina. Konektado kaya ang mga sinasabi nila at sinasabi ni Sindy at Jess?

"May itatanong ako, pwede?" Wika ko, napatingin naman sila. "Pero, please sa atin nalang muna ang tungkol sa itatanong ko. Hindi ko pa kasi sigurado" wika ko pa, kita sa mga muka nila ang pag iintay ng mga susunod kong sasabihin

"Ahmmm" pag dadalawang isip ko kung itutuloy ko ba o hindi

" 'Wag mong sabihing buntis ka! Talagang bibili ko agad ng Baby Crib 'yan" biglang wika ni Jess, agad akong napatingin dito

"Sh*t!" Wika ni Sindy at napatakip sa kaniyang bibig

Napatungo ako dahil hindi ko na alam ang magiging reaksyon.

"Tell us, you're pregnant? How many weeks?" Excited na tanong ni Jess

"H-hindi ko pa sure! Wag kang maingay baka may makarinig!" Piit ko dito

Tumahimik naman ang at nakangiting nakatingin sa akin

"Nagpa-konsulta ka na ba? Nag PT?" Tanong ni Sindy, hinila nito ang swivel chair ko ng dahan dahan

"Hindi pa, nakadepende palang ako sa mga sinabi ni Lina at Lyn" wika ko, nakatingin silang may pag tataka

"Who are they?" Tanong ni Jess

"Ah, sila 'yung pinadalang kasama namin sa bahay" sagot ko sa kanila, tumango tango naman ang mga ito

"Ayaw mong ipasabe kay Sir? Bakit?" Tanong ni Sindy, hindi makapaniwala sa mga narinig

"Kasi nga hindi pa sure, gusto ko muna makasigurado at ayokong umasa siya" wika ko sa kanila

"Sa bagay, baka kinakabag ka lang haha charot! Pero dinalaw ka na ba this month?" Tanong ni Sindy

"Last week until now hindi pa" pag sasabi ko ng totoo.

Tumayo ako at lumipat sa sofa para makalapit sila

"Bibili ka namin ng PT mamaya, pero these past few days may gustong gusto kang kainin?" Tanong ni Jess, nakatingin sa phone niya

"Oo, mangga 'yung maasim tapos asukal na puti" wika ko, umaga hanggang gabi ay gustong gusto ko iyon. Minsan ay nagtataka din si Aj sa akin pero lagi kong iginigiit ay ganoon talaga ako, hinayaan naman niya ako.

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon