58

8 0 0
                                    

Nang makarating ay ganoon pa din niya ako kung alalayan. Hindi naman talaga ako matatalisod sa kaniyang pag alalay.

Wala kaming nabilhan ng dippers kaya't dumeretso nalang kami sa pag punta sa opisina...

"Good Afternoon, Sir Alex" the employee greeted him when we entered in elevator

"Good Afternoon" balik naman ni Aj, ngunit kakaiba ang tono "Joyce, If you greeted me make sure you will greet my wife too" masungit niyang wika sa isang employee

Hindi ko inakala na sasabihin niya iyon "Love, okay lang ano ka ba" piit ko dito nang makita kong napatungo ang babae at humingi ng tawad

"Sorry po, Good Afternoon po Ma'am Ysa" agad niyang wika at agad ko itong nginitian. Ngiting humihingi ng pasensya

"Good Afternoon" sagot ko naman

Tumunog ang elevator at agad naman lumabas ang babae

"Love, sana hindi mo tinakot yung babae" usal ko at bumitaw sa kaniya. Lagi kasing nag susungit

Hinawakan niya ang baba ko at pinalingon sa kaniya "I want them to treat you the way they treated me" he said in a sweet voice

"Okay, but next time 'wag mong gamitin yung masungit tone mo okay? Natatakot sayo mga empleyado eh" saad ko at pinagcross ang dalawang braso

"Yes, Boss Mommy" he said in a sweet and cute voice, kumindat din siya at hindi ko mapigilan ang ngiti

'Boss Mommy' ulit ko sa aking isip

Nang makalabas na din kami sa elevator agad kaming dumeretso sa office niya....

"Good Afternoon Sir.....M-Ma'am" halos mabulol niyang bati nang makita ako, ngumiti naman ako

"Good Afternoon" sagot ko

"Jake, this is Ysa my Fiancée" pakilala niya sa akin kay Jake, base sa pagkakarinig ko

"And Love, this is Jake my new secretary" wika niya at tumingin sa akin at kay Jake

"Nice to meet you po, Ma'am" at inilahad niya ang kaniyang kamay. Agad naman akong nakipag kamay at ngumiti.

Naramdaman ko ang pag hila ni Aj sa akin patungo sa PR niya "Stay here, I need to go to Dad's office, okay?" Saad niya at pinaupo ako sa kama

"Hindi na ako secretary mo?" Taas kilay kong tanong

Umupo siya para mapantayan ang aking tiyan "You're my wife so you'll stay at home at ikaw ang naka-focus kay Baby" wika niya at hinaplos ang tiyan ko "Para pag uwi ko sa bahay, mag papahinga ka at ako naman ang mag aalaga kay Baby, understand?" Sumeryoso na naman ang kaniyang muka

"Yes Boss Daddy" hindi mapigilan ang ngiti

"Good, okay I'll go to Dad" muli niyang wika at humalik sa akin bago tuluyang lumabas ng office.....

Nang makaalis ay hindi maalis sa aking isip ang mga sunod sunod na nangyayare ngayon. Una ay nalaman namin ni Jess na buntis din pala si Sindy, naalala ko ang text ni Jess sa akin. Galit siya kay Sindy pero sa bata hindi dahil wala naman kasalanan ang bata.

Nagalit lang siya kay Sindy dahil hinayaan niyang mabuntis siya ng Patrick Pascual na 'yon. Isa pa naman iyon sa top 10 play boys sa mundo. Siguro noong nag paulan ng karupukan, ayon si Sindy nag tatampisaw nakanganga pa kaya deretso sa bibig.

Natatawa nalang ako sa mga naiisip ko. Ilang minuto na din akong nadito sa PR at hindi pa bumabalik si Aj.

*Knock! Knock!*

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon