21

11 3 0
                                    

To Love
Im on my way......

I texted him before leave the house, woke up early.

Normal lang ang pag kilos namin sa bahay, halatang ayaw pag usapan. Ayoko din at wala na akong balak alalahanin pa. Hindi dahil may kapitbahay na nakarinig, kundi dahil sa sakit na nararamdaman namin hanggang ngayon.

Ganoon ba talaga? kapag may araw na masaya ka, biglang may lungkot kang mararamdaman. kung papipiliin lang din ako ay doon na ako sa masakit, doon sa masakit na pang matagalan at mauubos, para sa pagdating ng kaligayahan ay walang sakit na kapalit. Ayoko ng ganito. parang kahapon lang ng umaga hanggang hapon ay masaya ako, pero nang umuwi may sakit palang sasalubong.

Nasa jeep na ako, hanggang ngayon dama ko pa din ang sakit ng pasa ko. pero may mas masakit pa din doon, 'yun ay ang mas pinili ni tatay ang kabit niya kaysa sa totoong pamilya niya.

Naka-face mask ako dahil para hindi na din makita ang pasa malapit sa nguso ko. Ang mata ko naman ay sadyang maga pa din. Bakas ng sakit ng kagabi.

From Love
Take care, I have something for you....

Text niya naman sa akin, agad akong napangiti dahil doon...

Hindi na ako nag reply dahil pababa na din naman ako. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba, ganito din ang naramdaman ko kahapon habang nasa byahe kami ni Aj.

Sana lang ay wala ng malungkot na mangyare......

Nakasakay na ako sa elevator, nagiintay nalang ng pagsara ng nito. Kakaiba pa din talaga ang kaba ko.

Nag iisip na ako ng palusot kay Aj para hindi ipatanggal ang aking face mask.

Tumunog na ang elevator, hudyat na mag bubukas na ito kaya naman inihanda ko na ang aking sarili para sa pag harap sa kaniya....

"Oh, what happened to your eyes?" Salubong na tanong ni Ate Leah

"A-ah wala ate haha" saad ko naman at nag madali nang umalis dahil baka mag tanong pa kung ano ang dahilan. Ayoko namang mag sinungaling.....

Dumeretso muna ako sa cr para mag salamin at ayusin ang sarili. Inihanda ko na din ang aking sarili para sa trabaho, iniwaksi ko muna sa aking isipan ang mga nangyare kagabi.

Nang lumabas ako ay dire-diretso na ako sa office.....

"Ah-ah Good Morning po" bati ko kay Sir Anthony

"Oh, Hija Good Morning" nakangiting sambit nito

Ngumiti naman ako at dumeretso sa table ko.... ramdam ko ang pag sulyap ni Aj kaya naman sumulyap din ako dito, sumimangot naman ito dahil naka-face mask ako.

"So, that's the plan? Okay, here is my approval sign. You can do it Son, I know that. And I know Ysa's here to help you, Right Ysa?" Tawag sa akin ni Sir Anthony

"A-ah Yes Sir, I'm willing to help him po" magalang kong sagot dito, kahit na hindi ko alam kung ano ba ang pinag uusapan nila.....

Maya maya ay nagpaalam na din ito sa amin.....

Nang makalabas ay agad nagtungo si Aj sa akin.....

"Why were you wearing a mask?" tanong nito at umupo sa sofa at hinila ang aking upuan...

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa kaniyang tanong, hindi ako makatingin dahil na din sa pagka-maga ng mata ko....

"A-ah diba may sipon ako at dumagdag pa ang ubo, ayokong makahawa" sambit ko sa kaniya

"Bakit maga ang mata mo?" tanong pa nito, parang imbestigador!

"Naiiyak na ako kagabi dahil sa sipon at ubo haha" sagot kong may pekeng tawa at kaba....

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon