06

20 5 1
                                    

"Good Morning" bati ni Sir nang makapasok ako sa office, nag taka ako kung bakit puro mga naka-box ang gamit dito

"Morning po" sagot ko naman at dumeretso na sa table ko

"Sorry po late ako" saad ko bago maka-upo sa upuan ko. 3 days na pala simula nang sabihan niya ako ng 'Stupid' nakalimutan ko na din agad ngayon lang ulit naalala.

Nakaramdam ako ng pag-kainis pero nawala din agad.

"It's okay, it's too early" tugon naman niya

Nagtataka pa din ako sa ginagawa niya

'Bakit siya nag liligpit ng gamit?'

"Fix your things, we will move to our new office" saad niya habang nakatingin sa pag aayos ng kaniyang mga gamit.

Agad muling pumasok ang dati niyang sinabi na lilipat kami ng office, matagal na niyang sinabi sadyang na-cacancel lang dahil sa sunod sunod niyang meetings na hindi ako sinasama. Basta simula nang dito na ako mag trabaho hindi niya ako sinasama, iniiwan lang ako dito sa office at pinag gagawa ng presentation

"Sir? Bakit hindi mo ako sinasama sa meetings?" Tanong kong bigla dito, hindi siya lumilingon kanina pa

"I don't have reason but next time" saad niya, hindi pa din nalingon

Maya maya habang nag aayos kaming parehas ay biglang nag ring ang kaniyang phone

"This is Alex Lorenzo the CEO of Lorenzo's Company" bungad nito sa tumawag

Hindi ko alam kung anong pinag usapan nila ngunit nakita ko kung paano pumikit ng madiin si Sir at kung paano niya naikuyom ang kaniyang kamao.

"Tell her that I don't care and just leave!" Sigaw niya sa kaniyang kausap

"B*llsh*t!" Madiing saad pa niya bago patayin ang call.

Hindi ako nag salita, tahimik lang akong nag aayos.

*Knock! Knock!*

Agad akong napatingin sa pinto, sumunod kay Sir. Nag iintay ng signal niya kung bubuksan ba iyon....

"Tell to that person I don't want to talk to anyone!" Masungit niyang utos, agad akong tumayo at tumungo sa pinto

"Kuya, sorry ayaw po niya kumausap ng iba. Pasensya na po" mahinahon kong sambit dito, agad naman napatango si Kuyang Janitor. Umalis na din agad

Nang makabalik ako ay nakita ko si Sir nakaupo at minamasahe ang sintido niya

"Sir, Are you okay?" Nag aalalang tanong ko

"If I said no, what will you do?!" Masungit niyang tanong

"Ahmm-" hindi ako agad nakasagot dahil sa masungit niyang tono. May nakausap lang sa phone badtrip agad! Damay pa ako! Hays!

"See, so just stop asking me if i'm okay!" Masungit niyang sabi. Tumayo siya ng padabog at binitbit din ang kahon na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa.

Agad akong napatahimik dahil sa inasta niya, gusto ko siyang intindihin dahil baka nga may problema siya.

"Girl!" Tawag ng pamilyar na boses mula sa pinto

"Badtrip si Mr. CEO?" Tanong ni Sindy

"O-Oo" nagkakamot sa ulo kong sagot

"Okay" saad niya at iniwas ang tingin sa akin na tila nag iisip "I Don't want to be like chismosa but... what happened?" Tanong niyang bigla, agad akong napatingin sa kaniya. Natatawa

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon