50

6 1 0
                                    

"Ysa" mahinahong gising ni Sindy sa akin, marahan niya akong kinakalabit. Agad din akong napamulat.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakikinig ng mga kanta mula sa cellphone ko, nagising ako at agad dumapo ang mata ko kay Aj na nakatingin sa akin. Winalang bahala ko iyon at agad umiwas sa tingin niya

"You okay? Gusto mo mag pahinga ka na lang dito? Mukang gusto mo pang matulog" hinarap ako ni Jace, nakatalikod siya kay Aj na matalim ang tingin. Kita ko kung paanong kumuyom ang kaniyang kamao at kung paanong mag igting ang panga niya

"Okay lang, gutom na din ako" ngumiti ako kay Jace at tuluyan na akong tumayo, napahaplos ako sa aking tiyan na unti unti nang lumalaki.

Mag dadalawang buwan na ang anak ko sa susunod na linggo, pero hindi pa din alam ng daddy niya.

Napag isip isip ko na din na siguro pwedeng dito ko nalang sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin.

Kinuha ko ang phone ko

To Jess
Ngayon ko na ba sabihin ang tungkol sa anak namin? What do you think will happen? Do you think he will accept our baby even he is with Jen

Agad kong naisend iyon kay Jess, busy siya sa pag hawak ng cellphone, parang may ini-stalk na naman. Nabaling ang tingin ko kay Mark na tulala pa din, mukang kagigising lang

Agad kaming napatingin kay Jess na bumuga ng tubig "Huy, walang apoy diyan. Ano't bumubuga ka diyan?" Pagbibiro ni Sindy, agad napatingin sa akin si Jess, sumunod kay Sindy.

Agad din naman tinanggal ang tingin kay Jess nina Jen at Aj pati na si Jace

"Ang corny ng biro mo" irap ni Jess kay Sindy "Pero eto, hindi corny" wika ni Jess kay Sindy at pinakita ang nasa cellphone, napatingin si Sindy sa akin kaya agad kong naintindihan kung ano ba ang pinag uusapan nila

"Here, kainin mo muna ito. Gutom ka at bawal sa inaanak ko ang gutom" ngumiti si Jace at iniabot ang tinapay na may palaman na peanut butter

"Thanks" wika ko, kumagat na din sa tinapay.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko, napatingin ako kay Sindy na binitawan ang cellphone

From Kuya Lavi
How are you? Do you eat your dinner? Baka naman nag papalipas ka, ingat kayo diyan. Si Liam kasama ko ulit, one week silang walang pasok

Akala ko ay kay Sindy na mensahe...

Napangiti naman ako dahil magkakaroon ng bonding ang mag ama

To Kuya Lavi
Bonding with your son! Masyado kang busy these past few days, baka mag tampo na 'yan sayo. Ayos naman ako dito, pwedeng tumawag? May itatanong lang ako

Inihanda ko na ang aking sarili sa magiging sagot ni Kuya, alam kong siya na mismo ang tatawag

*Kuya Lavi is Calling*

'Speaking'

[May problema ba?] bungad niya nang sagutin ko ang tawag, lumayo muna ako [Tita, pasalubong ko ah] si Liam

"Oo naman, hindi kakalimutan ni Tita iyon" napangiti ako nang marinig ang boses ni Liam, mukang nag lalaro dahil mukang malayo ang bata sa Daddy niya "Meron, hindi ko alam kung paanong sasabihin"

[Ang alin?]

"I want to tell him the truth, Gusto kong sabihin sa kaniya na magkaka-anak na kami" narinig ko ang pag buntong hininga ni Kuya

[Alam mo bunso, alam kong gusto mong malaman ang magiging reaction niya pero ang tanong, Handa ka ba sa pwede niyang maging reaction?]

[Wala naman kaso sa akin ang sabihin mo sa kaniya, may karapatan siya dahil siya ang ama]

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon