57

5 0 0
                                    

Nang makarating kami ay agad may sumalubong sa akin Si Lyn at Lina. Ganoon din si Kuya Boy at Kuya Rey.

Nakangiti sila at ramdam ko ang saya nila nang makita akong nadoon.....

"Kamusta? Kayo ng Baby?" Tanong ni Lyn, agad hinaplos ang tiyan ko

"You know about my Baby, Lyn?" Nakasimangot na tanong ni Aj

"Yes, she knows about my pregnancy since I found out" wika ko at tumingin sa kaniya

"Why didn't you tell me?" Nakatingin kina Lyn, nagrereklamong tono

"Sir, surprise daw po sa birthday niyo" si Lina ang sumagot, hindi na nag salita pa si Aj at iniba ko na ang usapan dahil baka sa kung saan pa ito mapunta.

I started to put my things inside my cabinet. Sa loob ng ilang buwan na pagkawala ko dito ay walang nagbago. Walang nabawas o nadagdag.

Nakaramdam ako ng pagka-sabik sa bahay na ito. Lalo na sa kwarto kung saan laging naglalambing si Aj. Sa tuwing mahihiga na kasi kami ay panigurado hihilahin na niya ako at isusubsob ang muka niya sa aking leeg. Pupugin ng halik hanggang sa mapagod at siya ang tumigil.

Napapangiti ako sa bawat sulok na aking nakikita...

"You miss this place?" Tanong nito, nasa likod ko na pala

Tumayo ako at lumapit sa kaniya "Super" napangiti ako ng mapait nang muling pumasok sa isip ko ang mga nangyare

"Babe, I'm sorry for all the things that I've done to you. Hindi na ako mangangako pero sisiguraduhin kong hindi ka na masasaktan sa akin" wika niya nang bigla niya akong yakapin...nakasubsob na naman ang muka sa aking leeg

Hindi na ako nakapag salita at yumakap nalang sa kaniya...

Busy pa din ako sa pag aayos ng gamit ko, hindi ko namalayan na naka balik na pala si Aj dito sa kwarto....

"Are you done, Love?" Tanong niya nasa likod

"Yup, undies nalang" lumingon ako at ngumiti. Unti unti siyang lumapit

Naramdaman ko ang kaniyang kamay na gumapang sa aking tiyan "Baka nakakaramdam ka na ng gutom" bulong niya, umiling naman ako

"Hindi pa naman, pero syempre kakain na ako pagtapos na" ngumiti ako at lumingon

Hindi na ito nag salita at nakayakap nalang mula sa likod.....

"I miss your hugs and kisses" bulong niya, napangiti naman ako

Lumingon ako at humalik sa kaniyang pisngi.....

"Ehem... Ahmmm makakaistorbo lang po Mr. And Mrs. Lorenzo ready na po ang lunch" hindi namin namalayan na nakapasok na pala si Lina. Halata sa boses niya ang pag pipigil ng ngiti

"Bet ko 'yon Mr. And Mrs. Lorenzo" usal ko at ngumiti. Lumingon ako sa kaniya at binigyan ko ng kindat.

"My surname suits to you, My Fiancèe" agad nanlaki ang aking mata na tumingin sa kaniya

"F-Fiancèe?" Nabubulol ko pang wika, hindi pa din makapaniwala

Nasa baba na kami at until now ay hindi ko pa din mapigilan ang mapangiti habang nakatingin sa aking sing sing

"Paano? Kailan pa?" Sunod sunod kong tanong, hindi pa din makapaniwala

"4:30 am" napatingin naman ako sa sinabi niyang oras "I wore the ring on your finger at 4:30 am and you were sleeping peacefully" paliwanag pa niya. Hinawakan ang aking kamay at hinalikan

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon