54

5 1 0
                                    

"Ysa, bangon na may bisita ka" gising ni kuya sa akin, nadito siya sa loob ng kwarto ko

"Sino?" Tanong ko nag hihikab pa

"Aj" tipid niyang sagot at agad bumukas ang pinto

Napalunok ako nang makita itong naka-white shirt at red casual short. Mukang walang balak pumasok sa trabaho

Agad akong umupo at nag takip ng unan sa bandang dibdib.

Tiningnan ako nito na tila sinusuri ang buo kong katawan

"Bakit?" Takang tanong ko.

Halos 2 months na pala ang nakaraan simula noong manuyo siya. Ganoon pa din trato ko sa kaniya fifty fifty. Fifty percent cold, fifty percent concern.

Ramdam ko naman na may pagsisisi siya at nakikita ko din. Mahal ko pa din siya. Simula noong manuyo siya ay hindi niya hinahawakan ang tiyan ko tulad ng ginagawa ng ibang mga magiging tatay na.

"Nothing, ang ganda mo lang pag bagong gising" ngumiti naman ito, hindi ko napansin na may dala siyang tray at may gatas at pagkain doon

Hindi ako sumagot, bagkus ay tumayo ako at lumakad palapit sa salamin. Tinaas ang damit at tumagilid. Unti unti nang lumalaki ang anak namin, sa loob ng apat na buwan ay kahit minsan ay hindi pa din niya nahahawakan ang tiyan ko.

"Nak, nadito ang Daddy mo kasama natin" mahinang usal ko habang hinahaplos ang aking tiyan. Ramdam ko ang tingin ni Aj ngunit ayoko munang pansinin ito.

Binaba ko na ang aking damit at lumakad papasok sa cr, hindi ko kinaya ang titig niya. Masyado akong marupok.

Habang naghihilamos ay naalala ko ang unang buwan niya ng panunuyo. Nakatulog siya sa coffee table sa sala, kaharap ang laptop. Ganoon pa din ang muka niya, gwapo at di mo mahahalatang may good side dahil na din sa medyo halata sa muka ang kasungitan.

Nang matapos ay lumabas na ako. Nakaipit na ang buhok ko na humarap sa kaniya.

Nailapit niya ang table sa kama ko

"May iba ka bang gustong kainin?" Tanong niya nang makaupo ako

"Huh? W-Wala. Gusto ko naman eh, bakit?" Takang tanong ko

"Nothing, baka may gusto kalang kainin, bibilhin ko" sagot niya, napatango tango lang ako at kinuha na ang kobyertos

"Gusto ko naman ito, okay na ito" ngumiti ako dito at sinimulan kumain

Tahimik lang kaming kumakain. Ramdam kong nakikiramdam din siya kung mag uusap ako

"Hindi ka pupunta sa office mo?" Tanong ko sa kaniya, tumingin ito

"No, dito ko gagawin ang trabaho ko" sagot niya habang may laman na tocino ang bibig

"Baka mapagalitan ka ni Sir Lorenzo" wika ko naman, ramdam kong tiningnan niya ako

"No, alam niya 'to at naiintindihan niya ako" sagot niya

"Are you still mad?" Napalunok naman ako nang marinig ang tanong niya, nasamid

Agad niya akong inabutan ng tubig, uminom naman ako doon. Hindi ko napansin o naramdaman na hawak ko ang kamay niya, parehas kaming nakahawak sa baso.

Nang mapansin ay napatingin ako agad doon

From Jace V.
Are you free today? Let's go the mall? My treat

Napatingin naman kaming parehas sa cellphone ko nang tumunog iyon. Nakita ko ang pag galaw ng adam's apple niya at pag kuyom ng kamao.

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon