34

9 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na saktong nakatapat sa akin, lumingon ako kung saan ang pwesto ni Aj. Ngunit wala na siya doon. Umayos ako ng higa at naisipan na ding tumayo.

Nag hihikab pa ako nang mabaling ang mata ko sa isang papel na nasa side table. Kinuha ko ito at binuklat

Your breakfast is ready, 1:00pm ka na pumasok Take Care I love you!
-Love

Napangiti ako napakagat sa ibabang labi. Pinipigilan ang ngiti kahit pa ay walang makakakita. Naisipan ko na din bumaba.

Nang makababa ay wala talaga tao, kami palang ni Aj ang nandito. Wala pa ang mga maids at security na nai-hire nila Tito at Tita para sa amin.

Dumeretso ako sa kusina at nag buklat ng mga may takip doon. Nakita ko ang isang mug na may laman na kape at hindi pa ito kanaw.

Nang binuklat ko naman ang isa pang takip ay nadito ang kanin at ulam. Sinangag, hotgod, spam at fried egg.

Sinimulan ko na din ang kumain. Kinuha ko ang phone at nag tipa ng text kay Aj

To Love
Good Morning, sorry ngayon lang ako nagising. Thank you sa breakfast I love you!

Habang tinitipa ang mensaheng iyon ay hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Nag play ako ng music mula sa cellphone ko habang nag huhugas ng pinagkainan. Napahawak ako sa aking sintido nang makaramdam ako ng pagkahilo.

"Sh*t" wika ko nang mas lalo akong nakaramdam ng pagkahilo.

Unti unti kong kinapa ang upuan at naupo ako doon. Pinikit lang ang aking mata at inintay na mawala ang hilo. Hindi naman ako nabigo sa pag iintay dahil ilang saglit palang ay nawala na din.

Nang mawala ay itinuloy ko ang aking pag huhugas. Nang matapos ay nakarinig ako ng doorbell mula sa labas

Agad ako nag tungo doon. May dalawang babae at lalaki ang nadoon.

"Ah magandang umaga ho, ito po ba ang bahay ni Ms. Ysabelle Fernandez at Mr. Alex Lorenzo?" Tanong ng isang babae na may dala ding isang maleta

Nakatingin naman ang mga kasama nito sa akin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa short na suot ko

"A-ahh opo ako nga po si Ysabelle, ano pong maipaglilingkod ko?" Nakangiting wika ko

"Ah kami po 'yung pinadala ni Sir Anthony Lorenzo, kasambahay po at Guards" sabay turo sa mga kasama niya.

"Ah osige, teka pasok po kayo" wika ko naman at binuksan ang gate, agad din silang pumasok

"Pasensya na po, dapat po ay kahapon ang dating namin kaso naiwan po kami ng bus papunta dito sa Maynila" paliwanag ng hindi katandaang isang babae

"Okay lang po, naiintindihan ko naman po" wika ko naman at ngumiti sa kanila

"Tara po sa loob" pag aya ko at tinuro ang direksyon papasok sa bahay

Nang makapasok ay dumeretso ako sa kusina at kinuha sila ng maiinom. Dinala ko na din ang cellphone ko para ipaalam kay Aj na nadito na ang mga maids at guards

"Eto, inom po muna kayo mukang pagod po k- -" agad pinutol ng isa sa kanila ang aking sasabihin

"Nako, Ma'am kami po dapat ang gumagawa niyan" wika ng isa

"Ayos lang po, teka tatawgan ko lang po si Aj ipapaalam ko po na nadito na kayo" wika ko at binuksan ang cellphone

"Ang ganda ng amo natin, sigurado gwapo si Si- -" agad ding naputol ang sinasabi ng isa sa kanila dahil piniit ito ng isa sa mga guard

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon