48

6 1 0
                                    

Napaiwas ako ng tingin nang bigla ngang kumagat doon si Jen. Humarap nalang ako sa dinadaanan at ninamnam ang aking kinakain.

"Does he know that you're pregnant?" Bulong ni Jace sa akin, kaya pala bigla niyang inilapit ang muka niya sa tainga ko

"No, kailangan ba? Hindi naman" sagot ko at umismir kahit alam kong hindi kita ni Aj ang pag ismir na iyon

Natawa si Jace dahil sa pag ismir ko, lumalaki daw ang mata ko lalo na kapag umi-ismir sabay irap

Pinag patuloy ko ang aking pag kain. "May Fries pa?" Tanong niya sabay silip sa hawak kong bucket

Hindi ako nag salita at agad siyang bibigyan "Isubo mo sa akin" wika niya

"Jusko anong isusubo?" Biglang siningit ni Sindy ang kaniyang ulo

"'Yung fries" napatingin ako kay Sindy na may pagtataka. Napalunok ako nang maalala ang term na ginamit ni Jace

Agad natawa si Jace at kita ko ang pamumula ng kaniyang tainga dahil sa hiya. Sa ilang araw o linggo na lagi ko na siyang nakakasama ay isa iyon sa aking napansin sa kaniya.

"Ang bastos ng utak mo, kumain ka nalang ng fries" piit ni Jess kay Sindy at agad naman itong pinasandal.

Natahimik kami ni Jace habang patuloy sa pag kain. Tahimik ang dalawa, mag sasalita lang kung kakausapin.

Ilang saglit pa ay natapos na din at unti unti kong nailigpit ang kalat namin. Mga Tissue, pinaglagyan ng mga ketchup ng fries, drinks at kung ano ano pa.

Patuloy lang kami sa byahe, tahimik at nakikinig lang sa mga music. Natulog na yata ang mga kasama namin kaya naging tahimik ulit

"Jace" tawag ko dito, nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura. Lumingon ako

"Ayos ka lang? Namumutla ka" komento niya nang makita ang itsura ko, ramdam ko ang pamumutla ko. Ang init din ng singaw ng muka ko sa tuwing mararamdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura

"Masusuka ako" papahinang wika ko, pakiramdam ko ay bawat buka ng aking bibig ay bigla lalabas mula sa aking tiyan

Naramdaman ko ang pagkataranta nito kaya't nag signal ito para tumabi

Nang matigil ay hindi ko na inintay pang pagbuksan ako ni Jace, agad akong bumaba at inipitan ang buhok upang hindi ito humarang sa muka ko

Lumuhod ako sa damuhan, naramdaman ko ang tatlong presensya sa likod ko.

"Sh*t!" Mura ni Sindy

"Teka kuha ako ng tubig" wika ni Jess

Si Jace naman ay hinahaplos na ang likod ko

"What's happening? Is she okay?" Nang marinig ko iyon mula sa nag tanong, si Aj. Naramdaman ko ang pag hinga ni Jace ng malalim kaya naman agad kong hinawakan ang palapulsuhan nito

Hindi ko pinansin ang pagtatanong ni Aj kay Jess.

Patuloy lang ako sa paglabas ng mga kinain ko. Nang wala na mga lumalabas naramdaman ko ang kamay ni Jace na inaalalayan ako sa magkabilang balikat.

Napasandal ako sa kaniya dahil sa hirap na aking naramdaman, nanlalambot akong naihilig ang aking ulo sa kaniyang dibdib

"You okay now? Naginahawahan ka?" Sunod sunod na tanong ni Jace, hindi agad ako nakasagot dahil pinakikiramdaman pa ang sarili

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon