Chapter 13

6 0 0
                                    

"Approved na ako sa mga kaibigan mo."

"Seryoso ka ba, Xen?"

Sinundan ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Ganoon din ang ginawa ni Fervid.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Pa-check mo 'yang mata mo baka malabo na."

Umiling siya. "I have 20/20 vision." Hinawi niya ang buhok kong nalaglag sa noo ko. Napaiwas ako ng tingin. Itinaas ko ang salamin ko.

"Miyell? Comby?" Nakangising tawag sa akin ni Xen.

"Oh?"

"Maniwala ka naman. Ang tagal na nating magkaibigan ba't naman kita paglalaruan?"

"Wala naman akong sinabing ganyan."

"Eh, bakit parang iniiwasan mo ako?"

"Hindi kita iniiwasan."

Tumayo si Fervid kaya sa kaniya napunta ang atensyon namin. Walang emosyon niya kaming tiningnan.

"Mukhang nakakaistorbo na ako mga ate at kuya, aalis na ako."

Walang lingon-likod, nagmartsa siya paalis. Hindi nakalampas sa akin ang kuyom niyang mga palad.

Bakit siya nagagalit?

"Sunduin kita bukas, ah."

"Hmm-hmm."

Natapos ang mga araw na hinahatid at sinusundo ako ni Xen.

Paano ko ba sasabihing ayaw ko naman nang ganoon?

Inis akong napahilamos sa mukha. Nailang tuloy ako sa kaniya samantalang dati kapag magkasama kami naipapakita ko sa kaniya ang totoong ako, pero ngayon parang ang pananahimik ko ay lalong naging tahimik.

Nasa mansyon ako ng mga Baider. Talagang kapag gusto ni Mr. Baider, nasusunod.

"Look!" Masayang ibinigay sa akin ni Diamond ang salamin.

Napaawang ang labi ko. Dahil nga hindi ko tinitingnan ang sarili ngayon ko na lang nakita 'yon. Nawala na ang mga pimples ko pati na rin ang mga pimple mark, sa loob lang ng tatlong linggo. Ikaw ba naman ang alagaan ng dermatologist ng mga Baider. Ang buhok kong laging buhaghag ini-straight nila. Bagsak na bagsak iyon. Hindi naman ako kaputian, pero dahil sa kung anu-anong ginawa sa akin nag-glow ang balat ko.

"Mukha ka na ngayong person," nakangising sabi ni Diamond.

Nakagat ko ang labi. Pinangiliran ng luha. Ngayon ko lang nakita na ganito ako kaganda. Ang confident level ko ay tumaas.

Siguro naman hindi na ako pagtatawanan sa university party?

"Are you ready for your final touch?" Nakangising sambit ng kaibigang beke ni Diamond.

"Y-yes."

Ang dami nilang ginawang ritwal. Ang buhok ko ay lalong kumintab, may nilagay sila sa mata ko na hindi ko naman alam kasi ngayon lang ako nalagyan niyon. Pinasuot sa akin ay silky blue na may slit, labas nang kaunti ang taas ng dibdib at collar bone. Sinuotan ako ni Diamond ng silver na necklace na ang pendant ay sobrang liit na bilog. Ibinagsak lang nila ang buhok ko at nilagyan ng clip sa gilid ng tainga. May heels na pinasuot. Sinanay niya rin akong maglakad na suot 'yon.

Akala mo naman talaga sobrang bongga ng party. Well, bongga naman talaga dahil lahat ng estudyante ng iba't ibang course naroon.

Pinasuot din sa akin ang contact lens, tinago nila ang salamin ko dahil nagpupumilit pa akong isuot 'yon.

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now