Chapter 22

9 0 0
                                    

Namalengke kami, masaya ang bawat sandali namin ni Fervid.

I was like in the romantic movie, endless love and happiness. I hope this is really infinite.

"Buko salad," nakangiti niyang nilagyan ng mga sangkap iyon. Kinuha ko ang gatas at nilagay rin iyon.

"Masiyado naman yatang marami ang pinamili natin? Dalawa lang naman tayo?"

"It's okay, Sexy Baby. Bibigyan natin ang kapit bahay."

"Kilala mo sila?"

"Yup, mga beshy ni mama."

"Talaga?"

"Yes," kinuha niya ang pasta. "Hindi ako marunong nito. Ikaw ba?"

"Marunong ako. Akin na."

Magkatulong naming niluto ang lahat ng handa namin. Spaghetti, buko salad, coffee jelly, may mga prutas, at iba pa.

Hindi na matanggal ang pagkakangiti ko. Nakikita ko kasing para kaming mag-asawang bagong kasal. Wala nang mapaglagyan ang saya sa dibdib ko.

"Wait, Sexy Baby. Alam ko may videoke si mama rito. Check ko kung gumagana pa." Pinanood ko ang pag alis niya.

He's cute. Araw-araw ko na yatang nasasabi 'yon. Child abuse man sa paningin ng iba okay lang.

Pinagmasdan ko ang bahay namin. Hindi masiyadong kalakihan sapat lang sa aming dalawa. Maayos ang pagkakapintura ng puti, kaunti lang ang gamit, 'yong sapat lang.

"Sexy baby! Maayos pa! Videoke tayo mamaya!" Sigaw niya sa sala.

"Sige."

Nang matapos kong magluto. Marami siyang nilagyan ng plato. Ibibigay raw sa mga kapitbahay.

"Samahan mo ako," umakbay siya sa akin. Lumabas kami at kinatok ang mga kapitbahay.

"Fervid! Umuwi ka pala?" Nakangiting sambit ng babaeng may katandaan na. Sinulyapan niya ako. "Girlfriend mo?"

"Hindi po." Siniko ko siya. Malapad siyang ngumiti, kumindat sa akin. "Asawa ko po."

"Ahh! Nako, nakakatuwa naman. Halika pasok kayo."

"Ay, hindi na po. Ibibigay lang sana namin ito." Inabot ni Fervid ang mga binalot niya kanina. "Happy New Year."

"Salamat! Happy New Year din, anak."

Marami pa kaming kinatok na binigyan ni Fervid. Akala mo namn mayor siya. Marami pala siyang kakilala.

Pumasok ulit kami sa loob ng bahay.

"Tuwing kailan ka umuuwi rito?" Hinila niya ako paupo sa sofa.

"Tuwing Christmas and new year, but my mama died two years ago that's why I did not go back here. Ngayon na lang."

"Anong kinamatay ng mama mo?"

"Leukemia."

"Oh? Sorry."

"It's okay." Yumakap siya sa baiwang ko. "Kinuha ako ni dad when I was eight. I don't really have complete family since then."

"Mabait naman ba 'yong step mother mo?"

"Kinda. Pinagtatanggol niya ako kay dad kapag nakagawa ako ng kasalanan."

"Good to know."

"Palaging mainit dugo sa akin ni dad. Madalas nga ayaw ko na roon. Gusto niya siya ang nasusunod."

Ihinilig ko ang ulo sa dibdib niya. "Kaya pala noon nag-aaway kayo."

"He wanted me to be a doctor like him. Ayaw ko naman noon."

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now