Chapter 21

11 0 0
                                    

Kinatok namin ang condo ni Fervid. Nanlaki ang mata niya nang makita kaming dalawa.

"Xen? Miyell? Anong ginagawa niyo rito—"

"Mahal mo ba si Miyell?" Walang emosyong sabi ni Xen.

Napalunok si Fervid, tiningnan niya ako.

"I'm askin—"

"Yes. Mahal ko siya," sinalubong niya ang tingin ni Xen. "Sorry, pero 'yon talaga. Matagal na hindi ko mapigilan."

"Minahal mo ba ang kapatid ko noon?"

Napalunok nang sunod-sunod si Fervid. "H-hindi."

Hindi ako makapagsalita. Parang nauubusan ako ng hangin.

"Pwedeng pasuntok?"

Parehas kaming natigilan ni Fervid parehas naming tiningnan si Xen.

"Alam mo ayos lang talaga, eh. Inagaw mo lang naman ang soon to be wife ko at pinaasa mo ang kapatid ko. Pasalamat ka ngayon may boyfriend na 'yon, pero it will never change the fact that you played her."

"S-sorry—" Natigil ang pagsasalita niya nang sinuntok siya ni Xen sa mukha.

"Xen!" Inawat ko siya. Isang suntok lang 'yon, pero natumba si Fervid.

"That's for my sister," sinuntok niya ulit si Fervid. "For myself." Pinagpag niya ang kamay. "Quits na tayo."

Napaawang ang labi ko. Dalawang suntok at okay na sa kaniya. Ibinibigay niya na ako sa taong hindi niya inakalang tra-traydurin siya.

"Kapag pinaiyak mo si Miyell. Ibabaon kita ng buhay." Ngumiti siya sa akin. Ngiting may masakit. Ngiting pumapatay sa kaniya.

Tinalikuran niya kaming dalawa ni Fervid. Lumingon siya ulit. "You're free. I'm letting you go, Miyell."

Pinanood namin ang pag-alis niya. Sunod-sunod din pumatak ang luha ko. Wala pang ilang segundo akmang hahabulin ko siya nang hawakan ako ni Fervud.

"You're not leaving me, right?" Malungkot ang kislap ng mga matang sambit niya.

"Sandali lang."

Hinabol ko si Xen. "Xen, I'm sorry! I'm so sorry!"

Nagpaalam siya nang nakatalikod. Akmang lalapit ako sa kaniya nang magsalita siya. "Don't you dare step near me. Baka bawiin pa kita."

Pinanood ko na lang ang pag-alis niya. Sumakay siya ng kotse.

"'Wag kayong papahuli kay daddy! Stay safe, Babe!" Sigaw niya pa bago pinaharurot ang kotse.

Napaluhod ako. Humagulgol na sa sariling mga palad.

He's kind.

That is what true love means.

Bumalik ako sa loob. Nakasandal ang likod ni Fervid sa paanan ng kama. Tumabi ako sa kaniya. Nanlaki ang mata niya. Mabilis niya akong niyakap. Humagulgol siya ng iyak sa balikat ko.

"Akala ko hindi ka babalik. Akala ko sumama ka ulit sa kaniya." Natigilan siya. Nag-angat ng tingin. "Ibig sabihin ba nito mahal mo ako?"

Nakangiti akong tumango. Hinila ko ang kumot. Pinunasan ko ang mukha niya.

"Ikaw na bata ka iyak ka nang iyak nandito na nga ang ate."

Napahagalpak siya ng tawa. Baliw rin. Kanina umiiyak tapos ngayon tatawa-tawa. Nakangiti kong pinanood ang pagtawa niya.

So cute.

Tumigil siya. Pinakatitigan ang mukha ko. "I love you."

"I love you, too."

UNUSUALLY BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon