Chapter 24

7 1 0
                                    

Linggo ang lumipas. Walang Fervid. Malapit na ang kasal namin ni Xen.

Umiiyak lang ako sa bawat araw na nagdaan, hindi kumakain, halos hindi na nga ako maligo.

Ayaw ko nang mabuhay.

This was hell for me, not seeing him was gradually killing me inside. The pain continue to give me suffering.

Si Fervid lang ang kailangan ko, siya lang.

"Kumain ka na, please?"

Kanina pa namimilit si Xen na kumain ako. Parang bingi akong hindi nagsalita. Nakatagilid lang ako ng higa at tumutulo ang luha.

Para saan ang pagkain ko kung ang talagang lakas ko ay si Fervid? Para saan ang mabuhay kung ang bumubuhay sa akin ay si Fervid?

Nothing. All of these were nothing if Fervid will not get me out of this cell—hell.

"Please? Magkakasakit ka niyan."

May sunod-sunod na kumatok.

"Please saglit lang gusto ko lang makausap ang kaibigan ko!"

It was Key.

Napabalikwas ako ng bangon. Tumakbo ako papunta sa pintuan.

"Key!"

Bumukas ang pinto.

"Key!" Masagana nanaman akong umiyak.

"Miyell."

Kitang-kita ko sa emosyon sa mata niya na awang-awa siya sa akin.

"Nasaan si Fervid? Kukunin na ba niya ako rito?"

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako.

"Tell me, where is he?" Humagulgol na ako ng iyak.

"Hindi namin mahanap."

Lalong lumakas ang pag-iyak ko. "Anong ginawa nila sa kaniya?"

"Hindi ko rin alam."

"Sinong nagpapasok sa kaniya!"

Napalingon kami sa lalaking galit na galit na nakatingin sa amin. Naglakad si Mr. Azarcon palapit sa amin.

"Palabasin 'yan!"

"Dad," sumingit na si Xen. "Kaibigan siya ni Miyell. Kahit saglit lang mag-uusap lang sila."

"No! Mamaya kung ano pa ang gawin niya! Guard!"

Kinuha ni Key ang kamay ko. May inabot siyang maliit na papel.

"Nakita ko 'to sa condo niya," nagmamadali niyang sabi.

Hinila na siya ng mga tauhan. Mas tumindi lang ang sakit na nararamdaman ko. Pati ba naman ang mga kaibigan ko ayaw nila sa aking ipakausap man lang. Alam kong gumagawa rin ng paraan ang mga Nematoda. Kilala ko sila, para sa ikasasaya ng isa, susuungin din nila ang panganib, pero ano bang magagawa nila? Mga ordinaryong tao lang sila hindi katulad ng pamilya ni Xen.

Nang tulyan silang makaalis, binuksan ko ang papel.

I love you, Ate. Magnet will attract us. Hakuna Matata.

Tumakbo ako sa kama. Itinago ang mukha sa unan at humagulgol nanaman ng iyak.

Hakuna Matata means 'no worries.'

Palagi niya na lang sinasabi 'yon kapag mahirap ang sitwasyon.

Paano kung hindi kayang i-attract ng magnet ang mga bagay-bagay? May limitasyon din 'yon. Kapag sobrang layo mo, kung may mga sagabal sa paglalakbay nito palapit sa magnet o kung plastic naman o iba pang hindi niya kayang ma-attract ang component? Kahit gaano pa kamangha ang phenomena na 'yon ang limitasyon ay limitasyon, hindi sila magtatagpo.

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now