Chapter 5

6 0 0
                                    

Breaktime kaya umakyat ako sa twelve floor para manood ng volleyball. Ito ang gusto kong gawin, pero hindi ko magawang sumali roon dahil nahihiya ako. Bukod sa pagtatawanan lang nila ang hitsura ko hindi ko alam kung kaya ko ring lumaban sa larangan ng volleyball pero sana isang araw makapaglaro ako niyan.

Naupo ako sa bench habang pinapanood sila. Sana lahat malayang ipakita ang talent nila. Tahimik akong nanood habang hawak ang librong babasahin ko sana.

Naramdaman kong naiihi ako kaya tumayo ako para pumunta ako ng banyo nang malapit na ako, kamalas-malasang may tumamang bola sa ulo ko. Nalaglag ang salamin ko at natumba ako.

"Ang sakit," sapo ko ang noo.

"Miss, okay ka lang?"

Tiningnan ko ang lalaking nakatama ng bola. Siya 'yong kasuntukan ni Fervid sa library.

"Pangit, ikaw pala 'yan?"

Makapangit naman ito, ang sarap pangahan.

"Halika tayo ka na, ang lampa mo naman."

Hindi ako nagsalita ang sarap niyang suntukin.

Tinalikuran ko siya at akmang papasok ng banyo nang pigilan niya ako sa braso.

"S-sorry," nagkamot siya ng kilay. "May masakit ba saiyo?"

Napatitig ako sa mukha niya. Kaklase ito ni Fervid kung hindi ako nagkakamali. Umiling lang ako at 'di nagsalita kahit ang totoo masakit ang paa ko dahil natapilok ako bago matumba kaya iika-ika akong naglakad.

Nagulat ako nang alalayan niya ako."Sorry talaga hindi ko sinasadya."

Inayos ko ang salamin ko. Nasira pa yata ang malas naman.

"Nasira ba ang salamin mo?"

"Ahm," tiningnan ko ang salamin ko. "O-oo, eh."

Paika-ika akong tinalikuran siya.

"Saturday, may pasok ka ba?"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Bakit?"

"Samahan mo ako."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman kita sasamahan?"

"Papagawan kita ng salamin."

"Hindi na."

Kahit ang totoo wala kaming pera pampagawa ng salamin. Hay nako, yari nanaman ako kay papa nito.

"Saturday, pangit."

Napatili ako nang bigla niya akong buhatin.

"Hoy! Ibaba mo ako! Anong ginagawa mo nakakhiya!"

Tumawa siya. "Dadalhin kita sa clinic."

"Ano ba! Nakakahiya," nagtakip ako ng kamay sa mukha.

"Ang pangit niya, bakit siya binubuhat ni Bill?"

"Kadiri naman ang mukha niya."

"Ano ba 'yan ang kapal ng mukha magpabuhat."

Nanliliit ako sa mga naririnig kong side comment. Hindi ko napansing tumutulo na pala ang luha ko.

Oo, alam ko na 'yon bakit pa kailangang ipamukha? 'Di ba?

"Mamaya mahawa pa si Bill ng pimples niya."

"Grabe siya. Wala ba siyang kahihiyan sa katawan?"

UNUSUALLY BEAUTIFULजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें