Chapter 3

4 0 0
                                    

"Chairman of Education Department pinapatawag ni Mr. Baider."

Lahat ng kaklase ko ay tumingin sa akin. Ako ang Chairman ng Edukados paano ba naman dahil 'yon sa mga kaibigan ko.

Tumayo ako at nagpaalam sa klase. "Bakit daw po?"

"Aba malay ko!"

Gusto kong sagutin na 'bakit parang galit ka?'

Ang sungit talaga ng mga staff ng registrar.

Kumatok muna ako bago pumasok. "Sir?"

"Pasok ka."

"Pinapatawag niyo raw po--" natigilan ako nang makita si Fervid kasama ang isa pa na nasa library kanina.

"Ms. Almildrez, pakituruan nga ng tamang leksyon ang dalawang ito."

Napalunok ako. Bakit ako?

"Tama bang magsuntukan sa library?" Taas ang dalawang kilay na nagpalipat-lipat ang mata ni Mr. Baider sa dalawang kaharap.

"Ewan ko ba rito!" Itinuro ng lalaki si Fervid. "Nanununtok na lang bigla."

"Totoo ba 'yon?"

"Hindi ko itatanggi," bumungisngis pa si Fervid.

Kabaliwan ng isang ito! Anong nakakatawa roon?

"Mr. Ruiz, what do think boxing ring ang library para doon ka pa manuntok?"

Nagkibit-balikat si Fervid at marahang tinakpan ang bibig niya bumubungisngis nanaman.

"Okay, you may go Mr. Ramos," tumayo ang lalaki at ngingisi-ngising sumulyap kay Fervid. Bumulong pa siya ng 'yari ka.'

Mga bata pa talaga sila kung mag-isip. Sinundan ko ng tingin si Mr. Ramos at napailing na na lang.

"Ms. Almildrez?"

"Yes po?"

"Pwede mo bang turuan ng leksyon itong si Mr. Ruiz?"

Tiningnan ko si Fervid, nakangisi ang loko, nag-eenjpy pa.

"After class lagi kang didiretso sa office ng Chairman of the Education tutulong ka roon kahit anong iutos nila sa loob ng isang buwan."

Nakangiting tumayo si Fervid. "Noted."

Nasapo ko ang noo ko. Siraulo ang isang ito, anong nakakatuwa roon? Tambak kaya ang gawain sa office namin.

"'Yon lang po ba, Mr. Baider?"

"'Yon lang. Sumasakit ang dibdib ko saiyong bata ka."

"Pwede na po ba akong umalis?" Nakangiting tanong pa niya.

"Yes."

"Thanks, Mr. Baider! You're the best!" Nakangiti niya akong nilingon at nang lagpasan ako ay kumindat pa.

Isip bata ang hinayupak.

"Bantayan mo ang batang 'yon baka atakihin ako sa puso ikaw na ang bahala sa kaniya."

"Opo."

"Sige, go back to your class."

Lumabas na rin ako. Bakit nga ba ako ang pinapabantay sa kaniya? Samantalang Architecture ang course niya ang layo-layo sa Education. Siguro kasi huwaran daw ang mga edukados.

Tahimik kong tinahak ang hallway ng Laurente wala na gaanong nagkalat na mga estudyante dahil may klase na.

"Psst."

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now