Chapter 2

3 0 0
                                    

Nagbabasa ako ng libro habang naglalakad papunta ng canteen.

"Miyell, kapag ikaw nabangga sa ginagawa mo," saway ni Key.

"Sandali patapos na ako." Huling pahina na ang binabasa ko. Nagbabasa ako ng Zoology book, mahilig kasi ako sa mga hayop at halaman kaya pati botany tuwang-tuwa akong basahin, Science Major din naman kasi kaya ganoon.

Nang makapasok sa canteen ay pasulyap-sulyap lang ako sa dinadaanan ko kaya nabunggo ako. Natapon sa babaeng kaharap ko sa damit niya ang juice na hawak niya.

"Sorry! Nako! 'Di ko sinasadya!" Akmang kukuha ako ng tissue nang sampalin niya ako.

Nanlaki ang mata ko at napahawak sa pisngi ko.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Ang pangit mo na nga ang clumsy mo pa!" Nagbaba ako ng tingin. Totoo naman 'yon.

Nakita kong lumapit si AP.

Oh uh, patay tayo riyan, aawayin niya 'yan sigurado ako.

Sinundan siya ni Key at Delight.

Riot.

Nang makalapit si AP ay ubod lakas din niyang sinampal ang babae. Nanlaki ang mata nito sa gulat.

"Nag-sorry na, 'di ba? Anong 'di mo maintindihan at sinampal mo pa?" Taas-kilay na sabi ni AP. Hinawakan ko ang kamay niya, nahihiya ako sa kanila dahil palagi na lang silang napapaaway ng dahil sa akin. "Do you want me to translate it in english? Or maybe you can't understand Filipino because you're bobo?"

Napaawang ang labi ng babae. Parang naawa naman ako dahil sobrang sakit ng sinabi ni AP.

"Kung siya ang pangit anong tawag mo saiyo?" Maldita ring sabi ni Delight. "Clown? O.." tiningnan niya pa ito mula ulo hanggang paa. "Basura?" Tinaas ni Delight ang hibla ng buhok nito. "Basura na nga ang ugali basura pa ang mukha. Basurang nabubulok at umaalingasaw ang mabahong amoy."

Todo lait ang inabot niya sa mga kaibigan ko kaya nahihiya akong nagtakip ng mukha. Hindi talaga nila ako pinabayaan kahit minsan. Nasilip ng gilid ng mata ko si Fervid, nandito pala siya. Walang emosyong nakatingin sa amin habang nakasalpak ang earphone sa tainga.

Simula nang makita ko siya ngayon ko na lang ulit siya nakita kaya kinalimutan ko na ang crush ko sa kaniya. Mas bata pa siya sa akin ng dalawang taon nakakahiya naman kung siya pa ang magugustuhan ko.

No boyfriend, no problem. Ang motto ko sa buhay.

"Ano napipi ka na?" Tumaas nang sobrang taas ang isang kilay ni AP.

"Kapal ng mukha mong sampalin ako!" Gigil na sabi ng babae.

"Saan ka ba nakakita ng manipis na mukha?" sarkastikong sabi ni AP.

Nagtawanan ang mga nasa paligid. Nakakahiya naman eskandalo nanaman dahil sa akin. Hinawakan ni Key ang kamay ko at inalis sa pagkakatakip sa mukha ko.

"Kung 'di lang babae 'yan pinatulan ko 'yan."

"Ano ba, 'wag ka na makisali ako naman ang may kasalanan."

"Oo nga, pero tama bang sinapak ka agad?"

"Eh, hayaan mo na."

Hinawakan ko ang malamig na kamay ni AP. "Tara na, nakakahiya na."

Dinuro ni AP ang babae. "Kapag tinawag mo ulit na pangit ang kaibigan namin dadalhin kita sa laboratory room at ida-dissect ko ang katawan mo, separating the left from the right!"

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now