Chapter 4

5 0 0
                                    

"Mama! Nandito na si ate!" Sigaw ni Rocelle.

"Late ka ng thirty minutes," matalim akong tiningnan ni papa.

"Traffic po," nagmano ako sa kaniya.

"Kumain na kayo," sabi ni mama habang nag-aayos ng hapag kainan.

Pumasok muma ako sa kuwarto para magbihis pagkatapos ay lumabas din ako para sumalo sa lamesa.

"Akin na 'to, ah? Wala na bang kakain?" sabi ni Melle. Kinuha ang hotdog.

Tahimik kaming kumain hanggang sa magsalita si mama. "Kumusta ang klase, Miyell?"

"Ayos lang po."

"Good. Mag-aral kang mabuti para makapagpatayo na tayo ng mansyon."

Natawa ako. Si mama talaga.

"Tandaan, bawal ang boyfriend," istriktong sabi ni papa.

"Asa ka namang may manligaw riyan kay ate, four eyes!" pang-aasar ni Jell.

"Buti na 'yon kaysa saiyo kalansay!" pang-aasar ko pabalik.

"Nasa kainan tayo ayusin niyo ang mga ugali niyo!" sigaw ni mama. Para siyang si AP ang lakas ng bibig magsasalita na lang pasigaw pa, kung 'di ba naman dumugo eardrums mo sa kaniya.

"Ate, ikaw ang maghugas," tumatayo siya habang nagsasalita, tapos na kumain.

"Bakit ako? Ikaw ang taga-hugas ngayon."

"Palit tayo muna ng schedule masakit puson ko."

"Okay."

Niligpit ko ang hapagkainan pagkatapos. Naririnig ko si mama at papa na nagkwe-kwenta ng gastusin.

"Kulang pa ito due date na ang tubig at ilaw paano ang pagkain bukas?" rinig kong sambit ni mama.

Napabuntong hininga na lang ako. Kaunting kembot na lang naman ay graduate na ako.

"Ate, pahinging bente," nakalahad ang kamay ni Jell habang nagpapa-cute na nanghihingi ng pera.

"Tingnan mo sa bag ko."

Tumakbo siya at hinanap ang bag ko. "Sampu lang ito, ate!"

"Edi 'yan lang wala akong pera."

"Kulang pa."

"Ano bang bibilhin mo?"

"Mang juan, 'yong malaki."

"Junk foods ka nanaman kaya ang payat mo, eh, kapag kanin ayaw na ayaw mo kainin."

"Minsan lang."

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit puyat pa ako kababasa ng kung anu-ano. Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin.

"Hala! Bakit lalong dumami ang pimples ko? Kainis naman!" Papadyak-padyak akong pumasok ng banyo.

"Kailan ba mawawala ang mga pimples ko?" Kinapa ko ang pisngi ko. "Kailan ba kayo aalis sa mukha ko?"

"Ate, magulat ka kapag sinagot ka niyan," rinig kong sabi ni Rocelle sa labas.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Ilang taon na akong ganito ang hitsura hindi pa ba ako nasanay?

Maaga akong pumasok sa university kahit wala pa masiyadong tao. Dumiretso ako sa office para gawin ang mga paperworks bago pumasok ng klase.

"Hi, Ate!" Napatalon ako sa kinauupuan ko.

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now