Chapter 15

6 0 0
                                    

"Saan tayo pupunta?"

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Hawak ni Xen ang kamay ko.

"Family dinner, Babe."

"Ah, okay."

Ilang linggo na rin ang lumipas. Tinapos lang ni Fervid ang parusa sa kaniya ni Mr. Baider hindi na siya bumalik pa ng office. Madalas kaming nagkikita dahil hindi naman maiiwasan na magtagpo ang mga landas namin. Parehas kaming tahimik ni-ha ni-ho, wala. Hindi namin kinakausap ang isa't isa.

Tama na rin siguro 'yon dahil hindi makakabuting magsama pa kami. Masaya naman na ang buhay ko.

Masaya nga ba?

Kahit ang totoo hinahanap ko pa rin siya. I miss him calling 'bata' or 'bunso'. Madalas kapag nakikita ko siya hindi na siya jolly katulad ng dati, tahimik na lang na parang laging may sariling mundo. Ang sabi naman ni Xen madalas sila ni Xhane sa library at nag-aaral kaya okay na rin.

Let him focus to his study.

Ga-graduate na ako at baka hindi na kami magkita pa pagkatapos noon. Hinihiling kong sana hindi na magtagpo ang landas namin, pero may parte sa puso ko na sana makita ko pa rin siya. Ang gulo ko. Naging magulo noong dumating siya. Hindi ko na masiyadong na-enjoy ang pagbabasa ng libro, pero 'yon pa rin ang palagi kong hawak. 'Yong ibinigay niyang gumamela isiningit ko sa isa sa mga libro kong botany.

Sinusubukan kong maging totoong masaya, pero parang palaging may kulang.

At alam ko kung ano— sino, si Fervid.

Siya 'yon. Mahal ko rin siya, pero hindi talaga sang-ayon ang taon, edad, at sitwasyon sa aming dalawa.

Baka talagang kailangang i-let go dahil hindi naman talaga ito ang para sa atin.

Ang 'no boyfriend, no problem' na motto ko heto kasama si Xen. Masiyado siyang mabait para saktan. Isa pa, nandito naman ang pamilya namin para suportahan kami.

"Hi, beautiful Miyell," humalik sa pisngi ko si Mrs. Azarcon. Nakipag-beso rin si Xhane at si Mr. Azarcon.

Nandito si Fervid. Malamang, dahil boyfriend siya ni Xhane.

"Ga-graduate ka na, Miyell!" Excited na sabi ni Mrs. Azarcon. "Anong balak mo after?"

"Maghahanap po muna ako ng school then pagbubutihing mabuti ang pagtuturo."

"Then, we'll get married," nakangiting sabi ni Xen.

Sinulyapan ko si Fervid na ngayon ay nakababa ang tingin, tahimik na kumakain.

Graduate na si Xen nauna siya dahil mas matanda naman siya ng isang taon sa akin. Nagtrabaho na rin siya sa company.

"Babe, anong gusto mo? Mahilig ka sa crabs, 'di ba?" Kinuha niya ito at nilagyan ako sa plato.

"Salamat."

Si papa ay nagtra-trabaho sa kanila isang buwan na ang nakaraan dahil nawalan ito ng trabaho. Nakangiti naman nilang tinanggap si papa bilang driver ni Mr. Azarcon dahil 'yon lang naman ang alam nitong trabaho.

"Sita," tawag ni Mr. Azarcon sa katulong. "Tawagin mo si Melvin sa kusina ayaw pa kasing sumabay."

Si Melvin ay ang papa ko. Lumabas ito galing ng kusina.

"Kumain ka na nandito na ang anak mo."

Nakipag-beso ako kay papa bago umupo.

"Kanina ko pa kasi tinatawag may ginagawa pa raw," nakangiting sambit ni Mr. Azarcon. "Napaka-workaholic."

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now