Chapter 10

3 0 0
                                    

"Papayag ka na na lang na inaapi ka ng ibang tao?"

Napatitig ako sa mukha niyang walang emosyon. "Oo, natabig mo 'yong tray at nabuhusan siya ng mga pagkain, pero hindi mo sinasadya kaya dapat isang sorry lang okay na," matalim niya akong tiningnan. "Tinawag ka niyang pangit, okay, that's quits... pero ang lagyan ka ng pagkain at buhusan ng sabaw. Papayag ka ba?"

Sa sinabi niya parang nagkaroon ako ng realization na hindi sa lahat ng oras may taong magtatanggol sa akin. Wala rito si AP, Key, Delight at Ailey na palaging pinagtatanggol ako. Ang nandito lang ay si Fervid na imbes na ipagtanggol ako ay tinuturuan akong gawin iyon sa sarili kong paraan. Tinuturuan niya akong tulungan ang sarili ko, maging matapang at higit sa lahat 'wag mag-paapi.

"Kung ako saiyo hindi ako papayag. Sumubra siya dapat may gawin ka," prente siyang bumalik sa inuupuan niya kanina.

Wala sa sariling napatingin ako sa babaeng hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin nang masama.

"Anong tinitingin-tingin mong pangit ka?" Tumaas ang kilay niya. "May ganyan pala kapangit na taong nage-exist sa mundo!"

Wala sa sariling kinuha ko ang isa pang bowl ng sinigang na hipon at ibinuhos din sa kaniya.

Tumalon-talon siya dahil mainit iyon.  Napangisi ako. "How dare you?" Akmang bubuhusan niya ako ng tubig nang may humawak sa kamay niya at ibinuhos iyon sa kaniya.

It was Xen holding his temper. "I hate to do that, but what I hate the most was hurting Miyell." Bumugso ang matinding emosyon na pinapakita niya. "Makikipagpatayan ako." Matalim at madiin niyang sambit. Bihira ko siyang makitang ganito. He is kind and always wearinng his charming smile. It was new to me. 

Hinila niya ako palabas ng restaurant na sinundan naman ng dalawa.

Nanginginig pa rin ang kamay ko. Sa buong buhay ko hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili dahil lagi akong nakadepende sa mga kabigan ko. Ito ang unang beses na may nagawa ako para maipaglaban ko man lang ang sarili.

Si Fervid, hindi niya ako pinagtanggol, pero tinuruan niya akong lumaban. Na-realize kong tama siya. Hindi ako dapat nagpapaapi dahil lang sinasabi ng lipunan na pangit ako.

Paki ba nila?

"Okay ka lang ba?" Tinanggal ni Xen ang mga hipong naiwan pa sa buhok ko.

Tumango ako. "Okay lang ako."

Walang emosyong inabutan ako ni Fervid ng panyo. "Hakuna Matata."

Kinuha ko iyon at pinunas sa sarili ko, pero kinuha iyon ni Xen at siya ang nagpunas. "Ano ba ang na--"

"Sa susunod na mangyari 'yon hayaan mo si Miyell na lumaban para sa sarili niya. Hindi laging may ibang taong nandiyan para promotekta sa kaniya," singit ni Fervid. Bumaling siya kay Xhane. "Tara na, hon."

Pinanood namin ang pag-alis nilang dalawa.

"Palagi bang nangyayari saiyo 'yon?"

Bumuntong hininga ako bago tumango.

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Alam mo namang gagawin ko lahat para saiyo. Sabihin mo sa akin ang mga pangalan ng mga 'yon gagantihan ko."

Mahina akong natawa at sinabunutan siya. "Hibiscus! Tigilan mo nga ako, Mr. Help me."

"Tara na umuwi na tayo."

Napatingin ako sa orasan. Mag-aalas otso na ng gabi. Mapapagalitan nanaman ako nito ni papa.

UNUSUALLY BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon