Chapter 23

5 0 0
                                    

January 01, 2021

Ang lakas ng patugtog ni Fervid. Nakahiga lang ako sa sofa, nagce-cellphone. Iniinit niya lang 'yong mga pagkain kagabi.

I feel the contentment although we're not yet married.

Habang tumitipa ako sa phone bigla na lang siyang dumagan sa ibabaw ko. "Tara, kain na tayo."

"Sige, wait lang."

"Sinong ka-text mo?"

Ipinakita ko sa kaniya ang phone. Ka-text ko si Key at Xen.

"Ba't kausap mo si Xen?"

"Binati lang ako ng Happy New Year. Sabi niya rin hinahanap na ako. 'Wag daw tayong papahuli."

"'Di naman siguro tayo mahahanap nila, 'di ba?"

"Ewan."

Hinaplos ko ang buhok niya. "Masaya ka ba?"

"Sobra," nakangiti niyang siniksik ang ulo sa tiyan ko. "Ang baho mo na. Ligo-ligo rin."

"Wow, bakit naligo ka na ba?"

"Hindi pa, pero mabango pa rin ako." Dahan-dahan siyang tumayo.

"Lakas mo!"

Marahan niya akong hinila patayo. "Kumain na tayo."

"'Di ka ba makakakain mag-isa?"

"Sexy Baby, tayong dalawa na lang ang magkasama ayaw mo pa akong sabayan kumain."

"Sige na nga." Inangat ko ang kamay, nagpapakarga.

"Ano ako, macho? Hindi kita kayang buhatin."

"Samantalang kagabi nabuhat mo ako papunta sa kwarto."

"Eh, lasing ako."

"Ang dami mong sinasabi!"

Padabog akong tumayo. Nagpapakarga lang, eh, minsan lang.

"Ahh!" Bigla niya na lang ako binuhat na parang isang sakong bigas.

"'Ayan na binuhat ka na." Iniupo niya ako sa harap ng lamesa.

"'Yong sweet na buhat naman! 'Yong buhat mo parang bigas ako."

Tumawa siya. "Mukha kang sako."

Sinipa ko siya. "Tingin mo saiyo? Mukha kang kargador," tumawa ako nang sobrang lakas.

Akala niya siya lang marunong mang-asar, ah.

"Kumain ka na, Miyell." Inabot niya ang spaghetti sa akin pati na rin ang fried chicken.

"Thanks, Fervid."

"Wala ka talagang kasweet-sweet sa katawan." Nakanguso niyang kinagat nang marahas ang chicken.

Siya naunang tawagin akong 'Miyell' tapos ngayon maiinis.

"Maawa ka sa fried chicken."

Inirapan niya ako. Natawa ako naman ako. "Bading."

"Mamaya ka sa akin," ngumisi pa ang echosero.

"Subukan mo ipapapulis kita."

"Sana kagabi mo pa ako pinapulis."

Tahimik na kaming kumain. Grabe pala ang gutom ko. Ang dami ko naman nakain kagabi.

"Saan mo gustong mamasyal, Sexy Baby?"

"Sa rooftop mamayang gabi."

"Sure! Maganda 'yon, romantic."

"Babae ka ba?"

UNUSUALLY BEAUTIFULحيث تعيش القصص. اكتشف الآن