Chapter 20

11 0 0
                                    

Nagmamadali kaming pumasok ni Xen sa loob dahil sobrang lamig na.

Tatawa-tawa niya akong hinila patakbo.

"Ang lamig, 'no?"

Bumungisngis siya. "At least hindi nanlalamig saiyo."

Tumawa rin ako. "'Yang mga banat mo."

Nakayakap siya sa akin sa buong paglalakad namin paakyat sa kwarto.

"Ilang taon ka na, Miyell?"

"Seryoso? 'Di mo alam?"

"Tinatanong ko, bilis."

"Twenty three."

"Taon na pala para pakasalan kita."

Nawala ang pagkakangiti ko. Sa tono ng pananalita niya kanina pa parang may gusto siyang sabihin.

"Teacher ka na at okay na ako sa business industry. Can we settle?"

"Huh?" Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko siya sinagot.

Kahit wala siyang natanggap na tugon nakangiti pa rin siya. Nagulat na lang ako nang buksan ko ang pinto ng kwarto.

It was like a honeymoon set up.

Puno ng small lights sa bawat paligid. Kitang-kita ang puting tela na bumabalot sa kama.

"Ano 'to?"

Isinarado ni Xen at ni-lock ang pinto. Isinandal ako sa likod ng pinto.

"X-xen? Ano 'to?"

Nakangiti niyang inilagay ang buhok ko sa likod. Akmang magsasalita pa ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. Natahimik ako. Umiwas ako nang akmang hahalikan niya ang labi ko.

Hindi ko alam, pero si Fervid ang nakikita ko.

Siya ba ang mahal ko? Paano si Xen?

Akala ko may puwang din siya, pero sa nararamdaman ko ngayon parang wala. Kaibigan lang talaga.

"Babe, is there anything wrong? Ayaw mo ba sa surpresa ko?"

"G-gusto kaya lang bakit ganyan?"

Ngumiti siya nang malapad. "Babe, magpapakasal naman na tayo."

"Oh? Tapos? Bakit nga rito sa kwarto mo ang surprise?"

"Eh, kasi," nagkamot siya ng ulo. "Akala ko magugustuhan mo."

"Nagustuhan ko naman," lumayo ako sa kaniya. Binuksan ko ang ilaw. "Magbibihis lang ako."

Nakaawang ang mga labi niya nang tingnan ako. Alam ko tumatakbo sa isip niya, pero no, I can't, kahit pa birthday niya.

"Sorry." Yumakap siya sa baiwang ko. "I'm sorry. Nag-iisip ako ng kung ano."

"Okay lang," humalik ako sa pisngi niya. "Bihis lang ako, birthday boy."

Tumulo ang luha ko pagkasarado ko pa lang ng pinto.

Hindi ko na talaga kayang makasama pa siya. Nagi-guilty ako sa lahat nang nagawa ko. Kay Fervid, halos ibigay ko na lahat, pero kapag sa kaniya parang hirap na hirap ako.

Oo nga at siya ang boyfriend ko, pero hindi ko man lang nakita kahit minsan na nagpaka-girlfriend ako sa kaniya.

Ang unfair ko.

Pinigilan kong maging hagulgol ang iyak ko.

Dapat hindi ko na siya pinaasa para lang sa wala. Ang sama kong tao.

Inayos ko ang sarili bago lumabas. Nakangiti naman siyang pumasok sa banyo para magbihis din. Maya maya lumabas na siya. Sumalampak siya sa kama.

"Babe, tabi ka sa akin kahit ngayon lang?" Nakangiti niyang niyakap ang baiwang ko.

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now