Chapter 7

3 0 0
                                    

"Ate, 'yong jowa mo nasa labas."

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng libro nang sumilip si Melle at sinabi 'yon. Saturday ngayon kaya walamg pasok.

Lumabas naman ako ng kwarto.

"Nasaan?"

"Bakit may jowa ka ba?" Tumawa si Melle. "Lalabas ka pa wala ka namang jowa."

Oo nga pala wala akong jowa, bakit ko ba naisip lumabas? Echosera!

"'Di nga?"

"Sumbong kita kay papa may jowa ka."

"Sira!" Sinabunutan ko siya.

"Kala mo naman talaga may jowa ka palabas-labas ka pa."

Siraulo talaga 'yon. Pumasok na lang ulit ako sa kwarto. Wala pang limang minuto si Rocelle naman ang pumasok.

"'Yong jowa mo nasa labas."

'Di ko siya pinansin, nantri-trip ang dalawang ito.

"Hoy! 'Yong jowa mo hinihintay ka nasa labas."

"'Wag mo akong istorbohin, bi, may ginagawa ako."

"'Di ako nagbibiro, bi."

"Wala akong jowa."

"Eh, sino 'yong nasa labas?"

"Baka jowa mo," niligpit ko ang libro at nakasandong lumabas.

Sino ba 'yon?

"May jowa ka? Lah? Asa ka?" nakangising sabi ni Rocelle.

Sinilip ko ang labas.

Si Bill? Anong ginagawa nito rito?

"Hoy, anong ginagawa mo rito?"

Buti na lang wala si papa kung hindi yari ako.

"Ganyan ka aalis?" Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Napatakip ako sa dibdib. Nakasando lang ako at short. Tumakbo ako papasok.

"Papasukin mo nga 'yon," sabi ko kay Rocelle. "Magbibihis lang ako."

Paglabas ko nakaupo na siya sa sofa. "Oh, paano ka nakapunta rito?"

"Sabi ni Fervid."

"Bati na kayo?"

"Magkabati naman talaga kami."

"Talaga kayong mga bata kayo," umupo ako sa tabi niya. "Ano ngang ginagawa mo rito?"

"Nakalimutan mo? We're going out."

Sumingit si Rocelle. "May date kayo? Bi, mahiya ka naman bata pa 'yan."

Piningot ko ang tainga niya. "'Wag kang ma-issue."

"Isusumbong kita kay papa," hinawakan niya ang tainga. "Malandi kang matanda ka."

Gindi ko na lang siya pinansin. "Sige, ipagawa mo tutal ikaw naman nakasira."

"What are you waiting for? Let's go."

Pumunta kami sa mall, ilang beses pa kaming nagtalo dahil ang gusto niya sa mamahaling optical.

"Ma'am, hindi po ito parlor hindi ka namin mapapaganda," bungad agad sa akin ng bantay. Nagbaba ako ng tingin.

Bakit ba ang harsh ng mundo?

"Tara na, ang pangit ng serbisyo niyo! 'Wag kayong papagawa ng salamin diyan pangit ng serbisyo!" Sigaw ni Bill kaya nagtinginan ang mga tao. Ang akmang papasok sa optical ay umalis na na lang.

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now