Chapter 1

7 0 0
                                    

Untold Inventions
1. 5 days
2. Unusually Beautiful
3. Eagerness to Love
4. Wrong Recipient
5. Join to Umbrella

_____

Itinago ko ang I.D. ni Fervid hanggang makabalik kami sa apartment.

"Pwede na ba akong umuwi?" Inayos ko ang malaki kong salamin.

Ibabalik ko kay Fervid itong I.D. niya, may address naman na nakalagay.

"Dito ka na kumain!" Nakangiting sabi ni Delight.

"Hindi na. Pinapauwi na ako ni mama maglalaba pa ako."

"Sige na nga," lumapit si AP at inayos ang buhok ko. "Suklay-suklay rin 'pag may time."

"Ayaw ko magugulo rin naman."

"Paano ka magkakajowa niyan?" Napailing ako kay AP. Kahit kailan talaga puro jowa ang iniisip kaya pa iiyak-iyak kapag nag-break sila ng boyfriend niya.

Hindi ko na mabilang kung nakailang boyfriend na siya.

"Aalis na ako," nagmadali akong tumakbo palabas dahil alam ko na ang gagawin nila. Ipapasok ako sa loob at bibihisan ng sexy'ng damit at ano? Lalagyan ng make up hindi naman bagay lalo lang dumarami ang pimples ko.

Sumakay ako ng jeep at pinakatitigang mabuti ang address.

Lahat ba naman ng maiiwan I.D. pa hindi ba pwedeng puso na lang niya?

Napangiti ako sa sariling naisip. Hindi uso sa reyalidad ang Knight in Shining Armor.

Sa hinaba-haba ng biyahe narating ko rin ang Village nila.

"Hi po," nakangiti kong bati sa manong guard.

"Sorry, Miss, wala akong pera sa ibang lugar ka na mamalimos."

Sumama ang timpla ng mukha ko. Mukha ba akong pulubi?

"Manong, hindi po ako mamamalimos may ibibigay lang ako sa may-ari ng isang bahay sa Village na 'yan."

"Huh?" Nagkamot siya ng ulo. "Ganoon ba? Iwanan mo na lang ang I.D. mo para makapasok ka bawal ang gulo sa loob 'wag kang mangangakyat ng bahay."

"At bakit naman ako mangangakyat ng bahay?"

Napahagalpak ng tawa si Manong. "Mukha kang akyat-bahay."

Aba't sumusobra na siya! Hindi ko na lang siya pinansin hindi naman ako pumapatol baka kapag narinig siya ng Nematodes ibaon siya ng buhay.

Ang gaganda ng bahay sa Village nila. Mayaman pala siya. Napatigil ako sa paglalakad. Unibersidad de Laurente rin siya nag-aaral bakit hindi ko na lang ibigay sa University pumunta pa ako rito. Akmang tatalikod ako pero naisip ko nandito na rin ako sayang ang pamasahe.

Naglakad ako nang naglakad hanggang narating ko ang dulo ng Village. Dito siya nakatira, tiningala ko ang magandang bahay na kulay krema. May nakalagay na 'warning high voltage' sa itaas ng pader na bakod. Ang gaganda rin ng nagtataasang palm tree sa loob ng bahay nila at ang nakakatuwang pagmasdan ang paborito kong bulaklak.

"Hibiscus rosa sinensis," bulong ko sa sarili. Iyon ang scientific name ng Gumamela.

Third year college na nga pala ako. Scholar sa Unibersidad de Laurente short for Laurente, mayaman lang ang nag-aaral doon pero ang kagandahan kapag nakakuha ka ng scholarship buong pag-aaral mo hanggang makatapos ka, libre. Mabait ang university owner layunin niya talaga ang makatulong sa katulad naming mahihirap. Sabay-sabay kaming nag-enroll nila AP, Key, Delight at Ailey sa University at sa kabutihang palad pumasa naman kami.

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now