Chapter 19

11 0 0
                                    

Nagmadali akong bumaba. Hinabol naman ako ni Fervid. Kinuha niya nanaman ang kamay ko. Mahigpit na pinagsalikop 'yon.

"Fervid!"

"Fervid," sarkastiko niyang sabi. "Masakit sa tainga. Dapat ang tawag mo sa akin ay sexy baby."

"Ikaw lang ang nakaisip niyan edi tawagin mong ganyan ang sarili mo."

Tumawa siya. "Para naman akong baliw niyon?"

Natigilan kami sa paglalakad nang makita kung sino ang nasa harapan namin. Ang laki ng mga mata ni Key, Delight, AP at Ailey.

"Nak ng pating, Miyell!" Gulat na sabi ni Key.

Binawi ko ang kamay ko kay Fervid.

"Nag-break na ba kayo ni Xen?" Sinuri ako ng tingin ni Delight.

Nahihiya akong umiling.

"Hindi ka manloloko, Nematoda. Kung siya edi siya!" Inis na sabi ni Delight. Nangangaral sa akin. "Dapat nakipag-break ka muna kay Xen."

"It's not her fault," singit ni Fervid. "Ako 'yong makulit."

"That's not the point!" Inis na sabi ni Delight. "Kaibigan mo kami kung mali ang ginagawa mo dapat lang na masermunan ka."

"Hayaan mo na, may rason naman si Miyell sigurado ako," sabat ni AP.

Tahimik si Key at Ailey habang nakatingin sa amin.

"I'm just worried. Matuto ka naman sanang isipin ang nararamdaman ng iba," pangaral nanaman ni Delight. "Ayaw ko sa manloloko at hindi ko hahayaang isa sa mga kaibigan ko manloko rin!" Tinalikuran niya kami. Hinabol ko naman siya.

"Sorry."

Malungkot niya akong tiningnan. "Hindi ka dapat sa akin mag-sorry, kay Xen." Hinawakan niya ako sa kamay. Umupo kami sa bench.

"Sabihin na nating hindi mo malayuan si Fervid dahil siya nga ang mahal mo, pero bago mo isipin ang nararamdaman mo ayusin mo muna ang mga bagay-bagay."

"Hindi ko kasi alam kung paano," nakababa lang ang tingin ko.

"Bakit ka nahihirapan? Sigurado ka bang si Fervid ang mahal mo o baka naman mahal mo rin si Xen hindi mo lang napapansin?"

Natutop ko ang bibig ko.

Bakit nga ba pakiramdam ko ang bigat-bigat makipaghiwalay sa kaniya? Parang dudurugin din niyon ang puso ko. Kung wala talaga bakit iniisip ko pa lang may kumikirot na sa puso ko?

"Oh my, Miyell? Baka gusto mo rin si Xen."

Lumakas ang tibok ng puso ko.

Hibiscus, gusto ko rin ba siya? Pwede ba 'yon, dala-dalawa? Imposible naman.

"Parang naapektuhan ka rin kay Xen?"

Nakagat ko ang labi ko.

Pero kung siya ay gusto ko rin, bakit pagdating kay Fervid siguradong-sigurado ako?

"Isipin mong mabuti. Pakiramdaman mong mabuti baka kasi si Xen ang mahal mo pinakawalan mo pa. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na maging sigurado."

"S-sige, salamat sa payo."

Yumakap ako sa kaniya.

"Gusto kong maging masaya ka, 'yong saya na hindi nanapak ng iba."

"Thank you talaga."

Dumaan ang mga araw. Pinilit kong umiwas kay Fervid. Hindi ko siya pinapansin. Masakit sa dibdib parang pinipiga ito.

UNUSUALLY BEAUTIFULWhere stories live. Discover now