CHAPTER 15: An accident

37 30 0
                                    


• SHOJIOMIE'S POV •

POTANANA bakit pa kasi ako sumama kay hazel eyes?!

Kasi nga kinikilig ka, gusto mo siyang makita at makasama~~ panunukso ng isip ko na ikinakilig at ngiti ko naman. Pero agad akong napailing

At saka gusto ko din namang magbakasyon noh! wala na period! saad naman ng isang nasa isip ko.

Twangenang ina kasi eh...

Ganto ba ang pakirandam? Yung tipong kinakabahan ka minu-minuto kapag kasama siya pero may halong saya kasi nakikita mo siya?

Tumingin na lamang ako sa mga puting ulap at asul na kalangitan.

Nasa private plane na kami ngayon papunta sa isla ni Hazel eyes. Bale tatlo ang upuan kada linya, nasa bintana ako para makita ko ang napakagandang tanawin, nasa kanan ko naman si Shiubert na pinagigitnaan namin nj Mr. Dyrych Russo in-short si 'Mr. Motor'

"Hey, Shojiomie Ann! Is the scenery's beautiful?" saad ni Dyrych. Yep! Dyrych na lang daw itawag ko sa kaniya, madali lang naman akong kausap.

"Oo naman!" saad ko.

"Whahaha!!"

"Hehe"

"How about you, man. Why are you so silent?" baling niya kay pards.

"Alam kong mayaman ka pero baka masapak kita at kanina ka pa nag-iingay."

Eh???? kung umasta si pards parang kilala niya si Dyrych.

"Whutt? Masapak?" tumigil siya na akala mo ay tunay na nag-iisip "ahhh...as in punch?" tapos ngumiti siya "Mayaman? yeah i am rich that's why my name is Dyrych! call me rych because I'm rich!"

Napahinga na lamang ng malalim si pards at napailing na lamang ako at bumalik ulit sa kanina ko pang pinagmamasdan na kalangitan.

"I'm gonna sleep, man" rinig kong sabi ni Dyrych.

"So?" sabi ni pards.

"Nothin', just wanna remind you to wake me up if we're gonna landing"

"Sige" walang kwentang saad ni pards.

Napakadaldal niya na akala mo naman ay pinaglihi sa pwet ng manok habang si pards naman ay rinding-rindi na sa gitna hahaha kala mo kung sinong pa-cool~~~

Sa kabilang bahagi naman ay si Aiah, nasa bintana din siya sunod ay si Mrs. Carina Bianca Moretti na ate ni Hazel eyes at ang pangatlo ay si Mr. Ashton Moretti.

Nasa unahan naman si Hazel eyes na tahimik at walang kasama hihihi akala mo kung sinong dinadaanan ng anghel.

"If y'all need anything, just press the bottom that's close to your chair or call me." sa sinabing iyon ni hazel eyes ay napatingin ako sa harap kahit ulo lamang niya ang nakikita ko.

"Yow man, why don't you tell me that you're now a flight attendant, huh?" sabi naman ni Dyrych habang humahagikgik.

"Can you please be fvkin' quiet? You're fvcking annoying." inis na pakiusap ni Hazle eyes.

"Can you two be quiet too? my ears always explode when you two are together so please not now." sabat naman ni Aiah na ikinatahimik ng dalawa

"Hihi" alam kong narinig nila iyon at lahat ng mga mata'y tumingin sa akin except kay pards na tulog.

Akala ko si Dyrych ang matutulog...

"Good mood miemie?" tanong sa akin ni Aiah.

"Hmm hehehe"

WHEN OUR DAYS BEGANOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz