CHAPTER 14: Not interested

41 29 0
                                    


• SHOJIOMIE'S POV •

TAHIMIK. Ayan ang sitwasyon namin ngayon. Nakaupo ako sa maliit na sofa na kaharap ang lola't lolo ko habang si mama at tato ay nasa kusina para kumuha ng makakain...

"Apo..." rinig kong ani ni Lolo

"Kayo po ba 'yung taxi driver nung nakaraang buwan?"

"Oo ija, ako nga..."

Taxi driver pala si Lolo...

So, sinadya niya iyon?

Sinadya niya akong ilibre dahil apo niya ako't alam niya 'yon.

Tumahimik na lamang ako at di na nagtanong pa ng kung ano-ano.
"Kumusta ka?" usal naman ni Lola

"Ayos lang po"

"Buti naman..." tumingin siya sa kabuuan ko "napakalaki mo na..."

"Syempre po, sobra po ang alaga sa akin ni Papa noon kaya't maayos na maayos po ako" sinadya kong diinan ang salitang iyon.

"A-ahh..."

Walang umimik hanggang sa dumating na sila Mama at Tato at inilapag na ang makakain.

"Kain na po" sabi ni Mama, napansin ko ding napaka-seryoso ni tato...di rin siya umiimik.

"Anak..." saad ni Lola.

Ngumiti at agad nag-iwas ng tingin si mama.

Siguro nga't di pa sila maayos dahil siguro sa relasyon nila ni papa noon...

"Apo, pwede ka ba naming ipasyal?" asal si Lolo

"Opo" tipid kong ani.

"Patawad dahil biglaan kaming napapunta dito, sabik na sabik kaming makita ka, apo, pero ito lang at ngayon lang ang libreng oras kaya't napagdesisyunan naming ngayon na bumisita sa'yo" sabi ni Lola habag pinagsiklop ni Lolo ang kamay nilang dalawa.

"Ayos lang po"

"Ipapasyal ka namin sa susunod para mas lalo mo kaming makilala" usal ni Lolo.

Tumango ako.

May itatanong at sasabihin ka Shojiomie Ann! Bakit hindi mo maibuka ang bibig mo?!

"Siguro ay matatagalan din 'yon dahil masyadong wala kami sa oras..." mahinang sabi ni Lola.

"Lagi naman" biglang nagsalita si Tato na ikinagulat namin...

"Kuya..." usal ni Mama.

"Ahm, alis na kami" biglang napatingin ako kay Lolo

Ambilis naman nilang umalis!

Bakit hindi ko kayang sabihin?!

Gusto kong mag-salita patungkol sa lahat ng gusto kong itanong!

"Apo, aalis na kami...magkita na lang tayo sa susunod..." sabay tingin ni Lola kay mama "Anak, alagaan mo nang mabuti si Esther...kapag may kailangan ka o kayo, nandito lang kami"

"opo..." maikling sagot ni mama
"Anak, ihatid mo sila"

"Opo" sabay sunod kay Lola't Lolo.

May araw pa naman para maitanong at masabi ko ang mga di ko nasabi kanina.

Inihatid ko sila sa labas, mainit kaya't sinabi ko na doon muna sila sa silong habang kukuha ako ng Jeep pero tumanggi sila. Maglalakad na lamang daw sila...

WHEN OUR DAYS BEGANWhere stories live. Discover now