CHAPTER 28: Mansion

24 16 2
                                    

• SHOJIOMIE'S POV •

"ANAK?"

Boses iyon ni papa "P-papa?"

"Anak?"

"P-papa nasaan ka po?" tanong ko dahil napakaputi at liwanang ng nakikita ko.

"Anak...nandito ang papa" narinig ko iyon sa bandang likod ko.

"P-papa!" niyakap ko siya nang mahigpit "Papa!!!" at doon ako nagsimulang umiyak ng malakas.

"Ikaw talaga anak...anlaki-laki mo na't anglakas mo pa din umiyak"

"Papa na-miss kita" sabi ko habang humahagulgol "miss na miss na miss na po kita papa, papa mahal na mahal na mahal kita" sabi ko habang di padin ako nabitaw sa kaniya.

"Shh...tahan na anak"

"Papa..." yakap ko pa din "alam mo ba miss na miss ka na din ni mama? Lagi ko po siyang nakikitang umiiyak habang hawak po ang litrato ninyo..."

Ngumiti ang papa "Anak...alagaan mo ang sarili palagi ha?"

"opo"

"Wag na wag kang laging matigas ang ulo sa mama mo at sa tato mo"

"opo"

"At buksan mo na din ang puso mo para sa lolo at lola mo"

"Papa—"

"Anak, alam kong may hinanakit ka pero ayos lang ang papa...masaya ang papa kasi lumaki ka ng maayos" hinaplos niya ang aking pisngi "lagi mong tatandaan ang turo ko sayong magpatawad..." ginulo niya ang buhok ko "mahal na mahal ka nila anak..."

"Papa...napatawad mo na ba sila?"

"Oo anak..." tinuyo niya ang luhang umaagos sa mata ko "kaya patawarin mo na sila"

"O-opo..."

"Nawa'y alagaan ka ng kasintahan mo..."

"P-po?"

"Nakikita ko ang sensiridad ng kasintahan mo...masaya ako't nakahanap ka na ng kapareha mo..."

"S-salamat po"

"Babantayan namin kayo parati..." hinalikan niya ako sa nuo at biglang bitaw sa akin ni papa "alagaan mo ang sarili mo..."

"P-papa...s-saan ka p-pupunta?"

"Mahal na mahal ka ni papa" saad niya habang nawawala na parang abo "mahal na mahal"

"PAPA!" sa sigaw kong iyon ay doon ko lang napagtanto na panaginip lang pala...pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at sinabing "papa...salamat at nagparamdam ka sa akin...mahal na mahal din kita papa..." sabi ko sabay ang pagtayo ko at paghahanda.

"Pangako papa...tutuparin ko ang gusto mo" sabi ko sabay ngiti sa mga labi ko.

.

.

.

"LOLO...LOLA nandito na po—"

"Ay Jusmiyo! Good Morning Ma'am Shojiomie" nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko

"Hello p-po" sabi ko.

"Ako nga po pala si Malta"

"Hello po Miss Malta" sabi ko.

Ngumiti siya "Sumunod ka lamang sa akin ma'am" sabi niya. Kasing edadan niya si mama, napakaliksi at ganda niya.

Habang kami'y nagalalakad ay agad kong nakita ang butler ni Lolo.

WHEN OUR DAYS BEGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon