CHAPTER 2: Water Bottle

98 55 3
                                    

CYON'S POV

ARBOLEDA, Shojiomie Ann N.
25 yrs old...

"Ano toh?" tanong ko kay Ton habang nakaupo sa may sofa nila...malaya akong pumunta rito dahil wala si ate, noong nakaraang isang buwan lang naman noong huli akong pumunta rito noong sinamahan ko si Ton

"Edi yung sinasabi ko sayong kakilala ko, nakausap ko na siya dito at pumayag naman siya at saka wag mo na akong tanungin tungkol sa kanya at nandyan naman lahat sa Bio niya wala lang akong nakuhang picture niya kasi wala raw siyang dala" sabay tawa "akalin mo iyon? loko-loko talaga si Jiomie nalimutan yung picture WHAHAHA" sabi niya habang natawa and actually wala namang nakakatawa then tumaas ang kaliwang kilay niya "wag mong sabihin na naglakad ka nanaman papunta rito sa bahay namin?"

"Edi hindi ko sasabihin" ika ko habang inaalaala ko ang babaeng parati kong nakikita sa buong isang buwan at nakita ko nanaman siya ngayon! hindi ko siya nakita ngayon nang malayuan kundi nakita ko siya ngayon nang malapitan na kung saan sobrang nakakainis pa!

"Hoi!"

"Oh?!...B-Bakit?"

"Ano iniisip mo?"

"May tanong lang ako sayo Ton, seryoso to" pagkasabi ko non ay bigla siyang sumeryoso

"Ano?"

"Nakaranas ka na ba na lagi o madalas mong nakikita yung taong di mo namn kakilala?"

Umakto siya na animo'y nag-iisip  "Meron naman...dati" at bigla siya humalikhik "when i was young"

"Sino?" sabay tanong ko "nakilala mo ba yung taong yon?"

"Oo, nakilala ko siya" habang may ngiting naka-ukit sa kaniyang labi "Yung asawa ko"

Pagkasabi niya non ay bigla ko siyang sinapa

"Aray!"

"Sabi ko seryoso ulol! Wala pa tayo sa sinapupunan ng ina natin ay sadyang magiging magkakakilala na tayo! you're my friend at talagang lagi mong nakikita si ate because i'm always with her and she's always with me! at saka kilala mo na siya! ang tanong ko 'kung nakaranas ka na ba ng taong lagi mong nakikita yung hindi mo kilala!'" anlayo ng sagot sa tanong

Bigla siyang ngumiti "Nuyss ate ha" bigla ko siyang sinamaan ng tigin at di nagdalawang isip na sinipa ang kanyang tuhod "Aray! Oo!"

"Anong oo nga!?"

"Ang sabi ko 'OO' lagi akong nakakakita, marami nga sila eh" sabay ngiti "kapag lagi kaming nasa mall lagi kong nakikita yung mga salesman o saleslady kahit di ko kilala" sabi niya habang tumatawa ang gago "wait? Baka destiny mo" nanunudyo pa niyang sabi

"pazzo!" sigaw ko sa kanya

"hey!don't call me pazzo! call me hand—" bigla siyang tumigil nang pagsasalita at tumingin sa kabuuan ko "nangyari sayo bud?" sabi niya habang sapo niya ang tuhod na kanina ay sinipa ko "alam kong naglakad ka papunta dito sa bahay at oo mapapawisan ka nga syempre, pero yan?" itinuro niya ang basa kong damit "naligo ka na ata"

"Nabasa ako!" sigaw ko "may nakabangga ako kaya nabasa ako! andaming satsat" i tsked "natakbo kasi ako papunta rito sa bahay niyo tas nay babaeng nainom o umiinom ng tubig nadanggil ko!"

"Yan kasi ang-bobo alam namang may kasalubong"

"Baliw ka ba? Eh nag Message ka sa akin na aalis na yung magiging tagaluto ko so i was in a hurry baka maabutan ko pa at para masabi ko rin na sa susunod na linggo na siya mag i-start...di ko na siya i-interviewhin mukha namang mapagkakatiwalaan kung ikwento mo" sabi ko

WHEN OUR DAYS BEGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon