CHAPTER 37: Doomed

16 14 0
                                    














• SHOJIOMIE'S POV •

WALANG KULANG, WALANG SOBRA na sinabi sa amin ni nanang ang lahat ng katotohanan...

Ika nito na napakabait at napakagalang na babae ni Lilith noong pinatira siya sa Mansion upang may kasa-kasama si Hazel eyes ayon sa obserba niya nang ipinaimbistigahan ito ni Ninang Esther.

Pero noong lumaki ito ay nagbago, naging maarte sa pagkain, mapili sa gamit at damit, laging sinisigawan ang katulong, at higit sa lahat ay umaasta siya na parang bahay na niya ang mansion sa Italy.

Sa kadahilanang umamin daw si Hazel eyes kay Lilith na may gusto ito sa kaniya.

Agad namang napagplanuhan ni Ninang Esther na ilayo si Hazel eyes kay Lilith dahil hindi niya nagugustuhan ang ugali nito.

Hanggang sa umabot sa punto na si nanang ay sinaktan niya. Nagalit daw ng lubusan si Ninang Esther kaya sinigawan niya, tinawag ang tatay at pinalayas ito sa mansion.

Hanggang nangyari nga ang hindi inaasahan sa bar na sinabi ni ate Carina...

Hanggang sa nagwala nga si Ninang Esther at umalis nang bahay dahil sa ibinigay na sulat at larawan sa loob ng envelope

Hindi natiis ni Nanang na tignan kung ano ang nasa loob ng Envelope...

Isang litrato daw na may ka-akbay na babae si Chairman Woodstone at hindi na niya nakita ang sulat dahil ayaw na niyang mangealam.

Agad namang hindi naniwala si ate Carina...ngunit iyon ang totoo kaya't kahit na naguguluhan ay naniwala na din.

Sinabi niya na sa mansion dito tinago ang envelope dahil kakaretiro lamang nito noong nakaraang dalawang taon at tanda niya pa iyon. Sinabi din ni Nanang na si Lilith ang kutob niya na may pakana ng mga iyon.

Para sa akin ay sumasangayon ako dahil posibleng may galit si Lilith kay ninang Esther at hindi ko man kilala si Lilith ay may kutob ako na gagawin niya iyon lalo na't nakaya niyang gawin ang pag-vi-video kay Ate Carina...

Hanggang sa nagpadausdos ako mesa habang nakatingin sa papel na kung saan nandoon ang plano kung papaano papasok sa mansion lalo na't napaka higpit pala ng seguridad doon...

Mahigit limang araw nang nakalipas nang pumunta kami kay nanang...

Sinubukan kong pumasok nang patago sa Mansion nang mag-isa ngunit hindi ko kaya sa loob ng limang araw na 'yon...

Si Ate Carina ay nagpapahinga, si Dyrych ay pinatawag ng tatay niya habang si pards naman ay mukhang lutang buong araw...

Sinabi sa akin ni Dyrych na bukas ay babalik na muna siya para rito kaya iniisip ko ang plano...

"Pards...matulog ka na" ika ni Shiubert na matamlay habang nasa pintuan.

"May sakit ka ba?" tanong ko

"Wala...wala lang"

"Oum...ganoon ba?" tumayo ako "sige, matutulog na ako" itiniklop ko na ang papel "tutal tapos na ako"

"Buti naman" sabi niya "Sige na...Goodnight"

"Ghe goodnight—" napatigil na lang ako nang isinara niya ang pinto.

Anong meron sa mga tao ngayon?

Humiga na ako sa kama at napangiti dahil nagagamot na si Ninang. Kaunting therapy na lang ay aayus na siya.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakatitig sa dingding

.

.

WHEN OUR DAYS BEGANOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz