CHAPTER 36: The moment of truth

16 12 0
                                    


:›









• SHOJIOMIE ANN'S POV •

WALANG PERMISONG sinabi ni Dyrych ang misyon namin sa Ate ni Cyon! Si Miss Carona Bianca!

Kaya ngayon, nandito kami sa bahay nila Sir Moretti. Tumingin ako sa buong paligid. Walang pinagbago...ito pa rin ang lugar nung panahong nag-apply ako...

Kahit kinakabahan ay napangiti ako sa ala-alang dito ang una naming pag-uusap ni Hazel eyes na kung saan ay nasabuyan pa niya ako ng tubig...pero ngayon, isa na siyang clingy boyfriend ko.

"Bakit ninyo 'to ginagawa?" Napatigil lamang ang pagmumuni-muni ko nang nagsalita si Miss Carina.

"Sorry po sa pangengealam" ani ko at yumuko "kahit hindi niyo po ako gusto kay Halcyon ay gusto ko naman pong magka-bati-bati kayo..."

Ramdam ko ang agad na pag-iiba ng ekspresyon sa mukha ni Miss Carina "D-don't s-say that..." pautal na ani nito "I'm n-not m-mad..."

"Sorry po talaga—"

"No need to sorry..." huminga ito nang malalim "ako nga sana ang mag-so-sorry dahil may kasalanan ako sayo dahil sinabihan kita na wagkang papatol sa kapatid ko..."

"A-ah...hindi po...ayus lang po..."

Ngumiti siya sa akin at tumango "Masaya kami noon" nanahimik ang buong paligid nang nagsimula si Miss Carina "lagi kong kasa-kasama si Halcyon...lagi ko siyang pinangangaralan at tinuturuan..."

"Hanggang sa dumating si Lilith..." huminga ito ng malalim. "para may kasa-kasama si Halcyon" ngunit biglang nagbago ang awra nito "G-gusto kong t-tumulong sa inyo—" takot na boses ang napansin ko.

"May gusto siyang sabihin sa inyo tungkol kay Lilith—" Anang asawa nito at di na natapos.

"Lilith...Lilith Blackmailed me" hanggang sa bumuhos ang iyak sa posngi niya "Sa edad niyang pagkadalaga noon ay inaya na niya ako sa bar..." humikbi ito nang humikbi "pinagkakatiwalaan ko siya dahil para ko na din siyang nakababatang kapatid at isang kaibigan"

"Hon..." ani ni Sir Moretti. "ako ang bahala sa kaniya" ang mukha nitong galit.

"hanggang sa naramdaman kong wala na siya sa presensiya ko at may lumapit na lalaki sa akin" nanginhinig siyang hinawakan ang kaniyang sarili "takot na takot ako no'n habang hinahawakan niya ang mga maseselang parte ng katawan ko"

Nakita ko ang galit at inis sa mukha ni Sir Moretti noong binalingan ko siya.

"Hanggang kinabukasan ay pinalayas si Lilith sa mansion hindi ko man alam ang dahilan ay nakampante ako...galit ako sa kaniya nang araw na iyon dahil parang hindi niya alintana ang pag-iiwan sa akin..."

P-pagkatapos ay nagkita kami sa Rooftop ng S-school...ipinakita niya sa akin ang larawan at ang video" alam kong nahihirapan na Miss Carina... "Tinakot niya ako sa pamamagitan ng mga iyon..."

Walang-wala ako sa mga oras na iyon...hindi ko na masamahan sa mga gawain ang kapatid ko...hanggang sa n-nawala ang m-mamá n-namin..." humagulgol ulit ito nang malakas habang hinahagod ni Sir Moretti ang likod nito...

Nagkaroon ako ng ideya na si Lilith ang may kagagawan no'n sasabihin ko na sana pero nalaman agad niya iyon hanggang sa siya pala ang may kagagawan nang lahat! Sinira niya ang pamilya ko!" sigaw nito "Hindi ako makapagsalita dahil sa video at litratong iyon..." nakita ko ang paghawak ni Miss Carina kay Sir. Moretti "Masisira ang reputasyon ni Papá, mahihirapan si Halcyon, mawawala ang lahat-lahat sa amin, ayokong mapahamak ang kapatid ko at ayokong iwan at pandirian ako ni Ashton"

WHEN OUR DAYS BEGANWhere stories live. Discover now