CHAPTER 24: First Day

24 18 0
                                    

SHOJIOMIE'S POV

.

.

.

.

FIRST DAY DATE, ayan ang minarkahan ko ngayon sa kalendaryo, napangiti ako nang inalala ang kahapon.

Mas lalo akong kinilig nang naramdaman ko ulit ang dampi ng labi niya sa labi ko!

Binatukan ko tuloy ang ulo ko kakaisip nang kung ano-ano...

Naalala ko din kagabi na si pards ang unang inaminan ni Hazel eyes kaya sinabi ko din na nakita ko silang nag-usap malapit sa pharmacy pero di ko narinig.

Tinali ko ang buhok ko, nagsuot ako ang kulay puting t-shirt at pinatungan ko ng plaid shirt, nag pantalon at simpleng sapatos.

"Anak, nandito na ang Lolo't Lola mo" rinig kong ika ni mama.

Kakain muna kami bago ang date namin ni Hazel eyes, hihintayin namin siya.

Bumaba na ako't umupo.

"Oh, apo. Saan ka pupunta?" pansing sabi ni Lola

"Ah...sa labas lang po mamaya" pagsisinungaling ko.

Ngumiti na lamang ito.

"Oh, nandito na si Theo" ika ni mama.

Pumasok na siya sa bahay, nakasuot siya nang grey na hoodie jacket, cargo pants na pinaresan niya ng kulay grey sa sapatos at isang bull cap.

"Oh kumusta?"

"Ayos lang po" Ika nito

"Napaka-gwapong bata naman talaga itong si Theodore" usal ni Lolo "Halina't kumain na tayo"

Ngumiti ito at ahad na dumiretso kay ninang esther at humalik sa noo "Hello, my beautiful mom"

Pagkasabi no'n ay agad akong tumayo at lumapit sa wheelchair ni ninang Esther. "Ako na Hazel, pumunta ka na doon"

Tumabi ito at nagsalita "Ready ka na sa date naten?"

"O-oo..." nahihiyang usal ko.

"T-th...J-ji...D-dat..." nagulat kami nang nagsaita si Ninang Esther...

Napatingin kami sa isa't isa.

Sa hapagkainan ay madaming pagkain. May kaldereta, inihaw na manok, pinikpikan na may etag, at higit sa lahat ay adobo!

Kukunin ko na sana yung adobo ngunit nahawakan ko ang kamay ni Hazel eyes...parehas kami nang ulam na kukunin...

"T-th...J-ji...D-dat..." usal ulit ni Ninang Esther.

"Esther, Ano 'yon?" ika ni mama

"T-th...J-ji...D-dat..."

"Anong meron kay Theo at Jio" si mama ulit.

"Da-"

"Da?"

"Date po" napaigtad ako nang nagsalita si Hazel eyes at nakitang hanggang tenga ang ngiti.

"Date?" gulat na ani ni mama.

Agad kong siniko si Hazel "Ano ka ba" mahinang sabi ko.

Bigla siyang lumapit at bumulong "manliligaw mo"

Bigla akong namula at nasipa siya sa paa.

"Ah! Aw..."

"S-seryoso?" ngiting ani ni Mama sabay ang pagtingin niya kay ninang na nakangiti din.

WHEN OUR DAYS BEGANWo Geschichten leben. Entdecke jetzt