CHAPTER 3: Nice to meet you

84 50 0
                                    

SHOJIOMIE'S POV

Pasko ngayon at biglang may kumatok sa pinto at agad akong ngumiti at niyakap ang aking ina, di na ako nasorpresa dahil sanay na na ako sa ganitong araw nauwi ang aking mama.

Pagkatapos naming kumain ay agad na nag-usap sila mama at si tato. Bagot na bagot kami ni Bert na naghihintay na buksan ang kahon na dala ni mama, malaki ito at mukhang maraming laman.

"Oh! Naiinip na ang Jio at Bert namin" sabi ni tato "buksan na natin!!" nananabik akong napatingin sa kahon habang ngayon ay binubuksan ni tato.

"Oh!Mariolito!alam kong paborito mo ang tsokolate!" sabay hagis at nakuha naman iyon ni tato"Bert! ihuhuli muna natin ang sa iyo ha?" tanong ni mama na agad namang sumang-ayon si Bert

"Pwede ba Maria Alliana Elizabeth! Hundi Mariolito ang pangalan ko kundi Ma.ria.li.ta—hahaha sige na ituloy mo na"

"Oh si Jio naman" biglang sunod sunod ang kuha ng aking ina sa kahon "Itong Doll para sa iyo may doll house rin yan at bagay na bagay" sabay bigay sa akin"At ito namang dress ang para sayo ang ganda diba color pink" natulala na laman ako habang tinitignan ito "oh ito sapatos oh diba ang ganda barbie original pa ito at saka uso ito doon" sabi ng aking ina na labis ang saya habang ibinibigay ang regalong iyon sa akin ngunit pilit lamang itong nakangiti dahilan rin siguro sa ipinapakita ko ngayong itsura sa harapan niya.

Biglang tumikhim si tato at hinawakan sa balikat si mama habang ako'y nakatingin ng diretso sa nga regalo "Maria alam kong nakikita mong nalungkot si Jio alam mo kung bakit?" nagpakawala ng malakas na hininga si tato "dahil lahat nang iyan ay hindi niya paborito...hindi sa pag iinarte pero totoo..."dire-diretsong sabi ni tato at kasabay non ang pagkawala ng ngiti ni mama

"Sorry anak hindi ko kasi alam ang paborito mo" pagpapaumanhin ni mama ngunit sinuklian ko siya ng matamis nangiti at sinabing "ayos lang po Ma." naiiyak na sabi ko ayokong malungkot si mama eh kayapinipigilan ko at sunod non ay wala nang nagsalita pa at pagkaraan ng ilang minuto ay binasag ni tato ang katahimikan

"Kamusta ka naman Maria?patingin nga nang litrato ng iyong alaga!"

"Ah ganun ba!Oh heto!" mayioinakita si mama na litrato "Theo ang pangalan nan...9 years old na siya kapareha lang ni Jio at magaling nang mag salita ng mga ibat ibang lengwahe" ipinagmamalaking tugon ni mama "Paborito niya ang mag basketball,magbasa ng libro,tapos magpatugtog, pangarap niyang maging Professional na katulad ng daddy niya,Paborito rin niya ang pagkaing adobo at—"

"NAKAKAINGGIT NAMAN SIYA! DAHIL KAHIT HINDI NIYA MAMA AY ALAM YUNG MGA PABORITO NIYA! KAYSA AKO NA SARILI KONG MAMA HINDI ALAM ANG MGA GUSTO KO!!"di ko namapigilan ang nararamdaman ko kaya tumakbo na ako papuntang kwarto.

"Dapat hindi mo na iyon sinabi eh litrato lang naman ang sinabi ko...hay nako Maria pinapatanda mo ako nang maaga eh" rinig ko pang sabi ni tato habang ako'y tumatakbo, paulit ulit na tumatatak sa isipan ko ang mga sinabi ni mama. Ang akala kong regalo niya sa akin ay Drawing Book, Colors, at Mickey Mouse na stuff toy.

"Bespren!" sigaw ni Bert "Bespren! wag kang umiyak!" habang kinakatok ang pinto "alis muna ako ha? wag ka nang umiyak! sasamahan ko lang si tato!"

Isang oras na ang lumipas at may kumatok sa pinto at binuksan ko iyon, alam kong si mama iyon kaya agad ako tumayo at pinunasan ko ang mukha ko.

WHEN OUR DAYS BEGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon