CHAPTER 9: Trip

59 36 0
                                    

SHOJIOMIE'S POV

Dumaan ang ilang araw.

Si Hazel eyes ay laging busy sa Business ng pamilya niya, tuwing pinipilit ko na gusto kong sumama ay ayaw niya at lagi nalang 'mayayamot ka lang don' ang saad niya.

Si Ms. Aiah ay laging napunta sa penthouse ni Hazel eyes, lagi niya akong tinuturuan about sa mga Fashions at syempre nalilibang ako. May mga araw din na tinuturuan ko siya ng tagalog na lenggwahe at mukhang natututo naman agad dahil siguro ay maalam na siya sa ibang words, kaso napapangiwi na lang ako kapag sinumpong siya ng pagka-conyo niya. Komportable na rin ako dahil napakabait at friendly niya.

Nabalitaan ko nga rin na sasama siya sa Japan. Syempre angsaya ko hahaha!

Binilhan niya rin ako ng suitcase, medyo nakakahiya pero tinanggap ko parin dahil sabi niya ay regalo niya daw sa akin iyon sa pagtuturo ko sa kaniya.

Nakaupo ako at nakatitig ngayon sa regalo niyang iyon grey vintage trolley bag siya at may kasama pang itim na vintage canvas bag.

Angganda...

Napaka simple pero napakaganda at alam niya ang taste ko.

Sunod ko namang binigyan pansin ang mga damit na nasa kama, summer do'n at mainit na mainit pa kuno kaya nagdala na lang ako ng mga usual na damit na sinusuot ko. Iniayos ko na siya sa lagayan at mukhang sakto naman, isang linggo kasi kami do'n kaya't habang busy si Hazel eyes ay gogora ako sa gusto kong puntahan!

Nag suot ako ng puting damit at denim jumper skirt na hanggang sa tuhod sabay sinunod ko ang sapatos ko na ash grey.

Kyah! Angganda!

Mabilis akong naglakad patungo sa kusina habang hila-hila at buhat-buhat ang mga dadalhin ko.

"Jio anak!" sigaw ni Mama "Dahan-dahan baka'y madapa ka"

"Hehehe-pards!" lumapit ako kay pards na nakaupo sa upuan at nakatunganga. "Pards?" iwinagayway ko ang aking kamay "Pst!"

Uulitin ko sana pero bigla akong hinawakan ni Tato "Hayaan mo na't may dinadamdam ang tao"

"Ano ho iyon Tato?" mahinang tanong ko.

"Aba'y ewan ko" sabay alis at umupo na sa hapag-kainan.

"Bert!"

"Hmm?"

"aalis na ako" sabi ko

"Huh?" sabi niya

"Pards, lutang ka ba?" Tanong ko at tumayo siya.

Bumuntong hininga ito "napaka dal-dal mo talaga" sabi niya sabay kuha sa mga dala ko at alis "Tapos na akong kumain, bilisan mo para maihatid kita, may gagawin pa ako"

Napaka-weird naman ng lalaking yun...

Nakasimangot ako at laglag ang balikat na pumunta sa hapang kainan.

"Anak, saang airline kayo?" tanong sa akin ni mama

"Sa NavAirlines po pero sasakay kami sa VIP jet ng amo ko, doon daw po kasi naka-" pagkasabi ko no'n ay para silang naging estatwa. "may problema po ba?"

"W-wala a-ano lang"

"-A-ahh w-wala Jio...k-kumain ka na..." napakunot ang nuo sa ikinilos nila, binalewala ko na lamang iyon at itinutok ko na lang ang aking sarili sa pagkain.

Minsan ganan sila, lalo na si Tato. Alam kong may tinatago siya ngunit di ko na lamang pinapansin, may mga araw din na nakikita ko siyang may hawak-hawak na picture sa kwarto niya habang nakangiti. Umiling na lang ako at binalewala na iyon hanggang sa natapos na akong kumain.

WHEN OUR DAYS BEGANWhere stories live. Discover now