CHAPTER 35: What's the plan

18 13 0
                                    

FEW MONTHS LATER...















• SHOJIOMIE'S POV •

NASA AIRPORT AKO ngayon kasama si hazel eyes.

Aalis kasi siya dahil sa business trip, di ako makakasama dahil madami akong ginagawa sa studio.

"Babe...di ka ba talaga pwede?" nagmamakaawang sabi ni Hazel eyes.

"Hindi eh..." hinawakan ko ang kamay niya "Pakabait ka doon ha?" sabi at pinisil ang pisngi niya "wag isip bata!"

"sayo lang ako isip-bata, not on others and my business babe"

"Edi wow" saad ko na lamang.

Hanggang sa may lumapit sa aming personnel at magiliw na binati kami. "Good Morning Ms. Arboleda and Mr. Woodstone"

"Hello po" panimula ko at bumaling kay Hazel eyes na parang batang mag-fi-field trip sa ibang bansa.

"Ready na po ang private plane" ika nito.

"Bye babe..." sabi niya sabay halik sa nuo ko "babalik din ako!" sabi niya sabay kaway sa akin papalayo.

"Ba-bye! ingat!"

Ngumiti na lamang ito at tumuloy na sa paglalakad habang ako naman ay umalis na.

Lumabas na ako sa NavAirport.
Ayokong magpasundo sa driver ni lolo kaya heto ako ngayon at naglalakad. Masarap kasi maglakad at magpapawis. Pupunta ako sa Mall namin para bumili ng libro.

Masaya kong ninanamnam ang hangin habang nakalagay ang earphones sa tenga ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang maalalang ginagawa pala ang isa sa mga shortcut na daan patungong Navarro Mall. Napabuntong hininga na lamang ako at dumiretso sa isa pang shortcut!

Hilig ko sa shortcut noh? gusto ko kasi yung tahimik na lugar hehehe.

Hindi ko tinanggal ang earphones ko para ma-feel ko maglakad.

Hanggang sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay parang may sumusunod sa akin. Napatigil ako at sumulyap sa likod.

Potanana Shojiomie Ann! Enhale...Exhale...mag focus ka na lang sa daan...

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa may narinig akong mahinang ungol. Hindi ko iyon masyadong rinig dahil sa earphones na suot ko.

Kailangan ko na bang tanggalin ang earphones ko?

Kailangan ko n abang tanggalin para alisto ako?

Paano kung nasa likod ko na siya-

"Wahh!!!" sigaw ko nang malakas at napapikit nang biglang may humawak sa balikat ko. "Shu! Shu! wag kang lalapet!-"

"Hey darling, it's me. Dyrych" dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita si Dyrych.

"Dyrych?" may pagkalitong sabi ko hanggang sa nakita ko din si Pards na naglalakad papunta sa amin na
pinapagpag ang damit "Anong ginagawa niyo dito?" sabay napansin ko din ang maduming long sleeve polo nito "Andumi ng damit mo Dyrych, ano ang ginawa niyo?"

"Nagharutan kami-ah!" nagulat ako nang pingutin ni Pards ang tenga ni Dyrych.

"Kung ano-ano sinasabi mo" seryosng saad ni pards.

"You are too much hubby 3! Don't you know me ?! I am a-"

"Respeto sa nakakatanda, bata-"

WHEN OUR DAYS BEGANWhere stories live. Discover now