CHAPTER 42: Finally

15 11 0
                                    

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

• SHOJIOMIE'S POV •

Uuwi na ako ngayong araw pero pansin ko na napaka seryoso ni hazel eyes habang tinutulungan niya akong mag-ayos ng gamit.

Dahil siguro sa papa ni Lilith?

Nabalitaan ko kasi na pumunta siya dito kahapon pero hindi siya sinipot ni hazel eyes. Tumingin ako sa kaniya habang inaayos ko ang butones ng aking cardigan, likod lang ang nakikita ko ngunit ramdam ko ang pagod niya.

"Gusto kong maka-usap si Lilith" sa sinabi kong iyon ay napatingin siya sa akin.

Bigla siyang naguluhan "Wha—why??"

Napabuntong hininga ako at lumapit sa kaniya "Ayos ka lang ba?" usal ko sabay hawak sa kaniyang balikat. Umupo ako sa tabi niya at niyapos ang kaniyang pisngi. "Sabihin mo lang sa akin, is there something bothering you hazel eyes? Ang papa ba ni Lilith ang problema?"

Pabalik-balik ang papa ni Lilith para makausap si Hazel eyes. Nalaman ko din na mayroong mental illness si Lilith, hindi lang ako sigurado kung ano ang eksaktong tawag dito. Isinailalim sya noon sa therapy at medications pero patago daw niya itong hindi pinupuntahan at hindi din umiinom ng gamot. Kaya siguro ay walang tigil na manghingi ng permiso ang papa niya para makausap si Hazel eyes.

"I can't...I mean I don't know..." napahawak siya sa kaniyang sintido "Siguro hindi iyon mangyayari kay Lilith kung binigyan siya ng pagmamahal, atensyon at pag-aaruga ng magulang niya" Napamura siya sa hangin "Lahat sila may kasalanan pero ang nagpalaki ang mas may kasalanan. See, babe? Alam na nilang may sakit siya and hindi man lang siya pinagtuunan ng pansin"

"Kaya nga gusto kong kausapin si Lilith para naman maliwanagan ako sa nangyayari kahit kaunti man lang" ika ko.

"What if may gawin siya sayo" tanong niya.

"Luh"

"Babe, I'm not joking" he said flatly

"Oo nga hindi nga, may magbabantay naman" sagot ko

"Then, can I come with you?"

Tumango ako "Okay"

Siya lang kasama ko pauwi ngayong nadischarged na ako. Kaya sa kahilingan kong makausap si Lilith ay dumiretso kami kung saang Psychiatric hospital siya nakalagay. Bago kami lumabas sa sasakyan niya ay sinabihan niya ako ng kung ano-ano na kesyo magdahan-dahan daw ako para di ako atakihin ni Lilith. Parang hindi naman ganoon si Lilith ngayon pero tumango na lang ako.

Papasok na ako sa ward kung nasaan siya at si Hazel eyes pero pinigilan ko siya.

"Babe, akala ko ba sasamahan kita?" pagklaito niyang tanong.

"Sasamahang papunta dito, hindi sa loob" ika ko sabay kumunot ang noo niya.

"Napaka-kulit mo—"

"Umupo ka na lang dyan sa waiting area"

"Pero—"

"Shhh" pagpapatigil ko sa kaniya "girl's talk"

WHEN OUR DAYS BEGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon