CHAPTER 12: Overthink

51 31 4
                                    


• SHOJIOMIE'S POV •

MADAMI kaming pinuntahan sa Japan, actually sobrang enjoy kami ni Aiah.

Nakasama lang namin si Hazel eyes sa Arashiyama at kinabukasan no'n ay di siya kasama sa Kyoto International Manga Museum, napag-alaman kong paborito ni Aiah ang manga katulad ko at talagang nakasanayan na niya ang pagpunta sa mga lugar na gano'n.

Sunod naman ay Auction ang pinuntahan namin ni Aiah at napakasaya niya dahil siya ang nakakuha ng pinakamamahaling silk. Huli ay ang Universal Studios sa Osaka at iba pa ,kasama namin diyan si Hazel eyes! buong araw kami do'n dahil andami naming biniling pasalubong at iyon na ang last namin.

Hindi ko na ikwekwento ang iba hahaha pero talagang si Hazel eyes...iniiwasan ako...simula no'ng araw lumapag na kami sa Pilipinas ay iniiwasan niya na ako...ewan ko kung bakit.

Everytime na iniiwasan niya ako ay sumisikdo ang dibdib ko...

na fa-fall na ba ako? nagugustuhan ko na ba siya kaya't ganto ang nararamdaman ko?

andami nang araw ang nakalipas simula no'ng bumalik kami dito...

iniiwasan ba niya ako para masanay na sya na wala ako? dahil siguro ay para makapag-focus kami sa trabaho namin?

Ilang araw narin noong pumasok ako sa Moretti Studio at minsan na lamang akong napunta sa Condo ni Hazel eyes at minsan ay pinaglulutuan ko na lamang siya at aalis na ako; minsan na lang din kami magkita.

Umiling na lang ako habang nag bru-brush sa may banyo. Habang nakatapi ang twalya sa ulo ko, maaga ako ngayon dahil baka ma-late ako.

Natapos na akong mag-sipilyo at lumabas sa banyo. Pupunta na sana ako sa kwarto para magbihis ngunit narinig kong nag-uusap si Tito at Mama.

"Pumunta ulit sila dito?" tanong ni tato habang patago akong nakikinig sa kanila.

"Oo, kuya." kuya...minsan lang tawagin ni mama si tato na kuya at sa mga panahong seryosong usapan lamang...siguro ay seryosong usapan ito.

"Buti at wala si Jio noong pumunta sila dito noon"

sino?

"Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung anong pakay nila sa atin..."

"Talagang pupunta sila...dahil anak nila tayo." gagad naman ni tato.

Anak? Ang lolo't lola ko ay nagpapakita na? para saan-ang ibig kong sabihin ay bakit?

Walang pag-aalinlangang nagpakita ako sa kanila.

"Jio-"

"Ma, si lolo't lola. Gusto kong makita."

"Pero-"

"Tato, please?"

"Para saan pa anak?"

"Dahil lolo't lola ko sila at may kailangan akong sabihin" habang mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko.

"Masusunod anak."

"Salamat, ma."

"Walang anuman"

Ngumiti ako nang tipid at tumakbo na patungong kwarto. Isinara ko iyon at isinandal ko ang likod ko sa pinto at huminga ng malalim at suno dno'n ay ang pagkuha ko ng litrato ng papa ko.

WHEN OUR DAYS BEGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon