CHAPTER 38: Tears of joy

17 13 0
                                    




• SHOJIOMIE'S POV •

KUNG NANGANGAIN LANG ang sahig na kinatatayuan ko ay nagpakain na ako kanina pa...

Napakalaking kahihiyan ngayon ang ginawa ko...

Hindi ko alam ang gagawin ko...

"Pards!"

"Shoji!"

Narinig ko ang pag-sigaw nila Dyrych at pards

"Papá...please don't" ika ni Ate Carina "Please papá..."

"P-patawad po..." sabi ko at nawalan nang lakas ang dalawa kong kamay at bumagsak...

Ang mga tuhod ko'y nanginginig, ang mga hita ko ay parang tinutusok.

"No...no...don't say sorry" ika ni Ate Carina na nanginginig "It's my fault"

"H-hindi po...ako po ang nag p-plano..." ika ko at di na nakayanan ng lakas kong tumayo at napaluhod sa harapan ng Ama ni Hazel eyes "Patawad po..."

"Oh! Precious!" nagulat na lumapit sa akin ang ama ni Hazel eyes "Anong ginagawa mo?!" ika nito at inalalayan akong tumayo.

Lahat kami ay nagulat, hindi namin alam na ganito ang magiging reaksyon niya.

"P-po?" sabi ko

"Anong ginagawa mo?!"

"N-nanghihingi po ng tawad dahil...s-sa k-kabalastugang—"

"Ayos lang ako..."

"H-ho?"

"Ayos lang ako...wag kang mabahala...di ako galit sayo" tipid na ngiti niya

Nakatanga pa din ako habang inalalayan niya ako.

"Kumusta ka na?" ngiti nito "di kita nakaka-usap ng nga panahong nagkikita tayo kapag isinasama ka ng anak ko" at napakamot ito sa ulo "Sit, ija."

Agad akong umupo sa sofa na kung saan ay agad ding lumapit sa akin si Ate Carina...

"Are you okay?" hinawakan niya ko sa pisngi "may masakit ba sa'yo?"

"W-wala po..."

Agad namang lumapit sa amin si Mr. Woodstone nang pinaupo ako at may ibinigay sa aking envelope na walang pagdadalawang isip. "Here"

"B-bakit po-"

"Kailangan mo yan, 'di ba?"

"O-opo..."

"I heard about your plan..." hinawakan niya ang kamay ko "And I believed you"

Nakaawang ang labi kong nakatitig sa kaniya.

"Nagmana ka talaga sa ama mo" ngumiti ito "Kaya botong-boto ako sa kaniya para sa mama mo" hinaplos niya ang ulo ko "Hawig na hawig mo ang papa mo"

Di ako makaimik at "S-salamat po" ang naitugon ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol dito?" pagbabago nito

"I-ikinwento po sa akin ni Hazel-ni...Halcyon..." sabi ko na nahihiya pa din.

"Silly...I already know na Hazel eyes ang tawag mo sa kaniya" huminga ito ng malalim "I'm happy...masaya ako na ikaw ang kasintahan niya" yumuko ito "Kasalanan ko nag lahat ng ito...kung hindi lang ako nagpadalos-dalos na patirahin si Lilith—"

WHEN OUR DAYS BEGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon