CHAPTER 11: Enjoy

49 36 0
                                    

• SHOJIOMIE'S POV •

ALAS-SYETE na ng umaga no'ng nagising ako, napaka sarap sa pakiramdam pagkagising ko dahil katapat ko ang bintana.

Ngunit nawala ang sarap na iyon sapagkat agad kong naamoy ang parang sunog na lutuin...

Si Aiah...

Agad-agad akong nagsuot ng tsinelas at dumiretso sa Island counter-

"Hazel eyes?!"

"Ah!ah...I-iomie...uhm" tumingin siya sa laptop niya na malapit sa stove "mamaya na Ton!" sabay tiklop niya.

"Anong ginagawa mo?"

"uhm...nagluluto ng agahan?" sabay turo sa nasusunog.

"Tsk! ako na nga!"

"Tsk...ikaw naman talaga eh"

"Oh! 'yon naman pala eh!"

"Eh tulog ka kasi 'eh' !" panggagaya niya sa tono ng boses ko.

"tsk" inirapan ko ito "Buti ay nagising agad ako at naamoy 'yon" at sinabing "nasaan si Aiah?"

"Natutulog sa sofa"

"Ba't sa sofa-"

"Dahil dalawa lang ang kwarto na nandito"

"Eh di sana sinabi mo sa'kin-"

"Ba't doon siya matutulog, eh higaan mo 'yon?"

"Edi yung kwarto mo-"

"I'm not gentleman, kwarto ko 'yon eh"

Napa-irap ako at itinuro ang nga ginayat niyang papaya, oo, mag titinola kami ngayon. Nagluto rin siya nung tinapay at iyon ang nasunog.

"Bakit may balat pa yung papaya? mapait yan pag may berde berde pa, tapos itong tinapay na pinakamadaling gawin, nasunog mo pa"

"Tsk!" sabay kuha niya sa may oblong na mangkok at inayusan muli

Inirapan ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang naudlot niyang iniluluto na ikinangisi niya.

Ito na ang huling araw na pagpapasyal namin dito sa Japan...ewan ko ba kay Aiah at laging sa Kyoto...sinabihan siya ni Hazel eyes na kumuha na lang ng pagtutulugan doon, ngunit ayaw. Buti ay sa Osaka kami pupunta ngayon para pumunta sa Universal Studio! Yieepieeee!!!-pero anlayo pa din, hihihi at pupunta rin kami kahit saan para mamili ng pasalubong

Natulog ngayon dito si Aiah dahil uminom nanaman...at sa sofa pa talaga inihiga ni Hazel eyes...napaka gentleman naman ng amo ko...

"Sa susunod kasi ay gisingin mo 'ko para naman hindi sayang ang mga putahe"

"Oo na" naramdaman ko naman na lumapit ang labi niya sa tenga ko "Io...mie..."

Agad kong itinulak ang mukha niya "Pwede ba Hazel eyes!" ilalabas ko na ang nararamdaman ko... "Biro ba yan para sayo? nakaka ano na eh! o talagang sinasadya mo para magkagusto ako sayo?!"

WHEN OUR DAYS BEGANWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu