V:02 Memo

200 13 0
                                    

Synthesis




V:02



Memo
Are we just blind?
(Are we just blind?)
Out of our minds
(Out of our minds?)
Love like no one else
Live for tomorrow
Run as far as you can
Until you feel the rain


Althea's PoV


Ang init.


     At ang sikip.


    Sobrang sikip pero pinilit ko pa ring ilabas-masok ang aking dalawang daliri sa loob ng babaeng kasiping ko sa kama maiparamdam ko lang dito ang sarap na dulot ng ginagawa namin. Hindi ko rin magawang iiwas ang aking mga titig sa napakagandang mukha niya habang dahan-dahan ko siyang dinadala sa dulo ng kasarapan.


     Umungol ako nang maramdamang malapit na itong labasan. Humigpit na kasi ang pagkakapit ng dalawa niyang braso sa aking leeg habang panay rin sa pag-ungol.


     "Althea . . ."


     Ah, ang sarap sa pandinig no'n ah. Kaya mas lalo ko pang ginalingan ang paggalaw ko sa loob niya.


     "Althea!"


     Ganyan nga, isigaw mo ang pangalan ko para marinig ka ng mga tao at nang malaman nila kung gaano ako kagaling magpaligaya ng babae.


     "Althea!"


     "Alth—"


     Aray ko!


     Bumulagta ako sa sahig matapos mahulog sa kamang hinihigaan nang masilayan ang mukha ni mama pagmulat ko ng mga mata. Napasigaw pa ako hindi lang dahil sa masakit ang aking puwet kundi dahil na rin sa pagkagulat.


     "Ma!" Ano ba 'yan? Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa nerbiyos.


     Ngunit ang mabait kong ina, aba'y pinagtawanan lang ako. Tuwang-tuwa kasi ito sa naging reaksyon ko eh.


     "I'm hurt you know?" Saad nito na ikinakunot ng noo ko.


     "What?" Ay shit! Natampal ko ang aking noo dahil napa-what ako nang wala sa oras. "Teka mama, ano po ang ginagawa mo dito?" Puno ng pagtatakang tanong ko pero imbes na sagutin ako ng magaling kong ina, tinaasan ba naman niya ako ng kilay?


     Taray, bagong ahit ang kilay. May lovelife na talaga 'to eh ayaw lang aminin.


     "Ano'ng ibig mong sabihin na ano'ng ginagawa ko dito?" Mataray niyang tanong ng nakapamewang pa.


     Hala lagot! At dahil distracted ako sa kilay nito, hindi ko napansin ang kamay niyang mabilis akong kinurot.


     "Aray!" Sigaw ko sabay hawak sa aking singit. Ang sakit!


     "'Yan ang bagay sa'yong bata ka. Ba't hindi ka na umuuwi sa bahay?"


     Kung maka 'ba't hindi ka na umuuwi sa bahay' ka naman parang forever na akong lumayas. Pabulong lang dapat sana iyon pero narinig niya pala ako dahil bigla itong nag-beast mode na muli ko na namang ikinagulat. Kailangan ko na talagang tumigil sa pag-kakape, dapat Chuckie na lang ang inumin ko kahit para lang dapat sa mga bata 'yon.


SynthesisWhere stories live. Discover now