V:04 Memo

202 15 1
                                    

Synthesis




V:04



Memo
Open your eyes
(Open your eyes)
Let go and find
(Let go and find)


Althea's PoV


Napangiti ako ng lihim habang pinagmamasdan ang mga pinsan ni Jade na nag-uusap dito sa harap ng malaking mesang pinagkainan namin. Parang magkakapatid lang kasi ang turingan nila kasama ang kani-kanilang mga asawa. Ini-include rin naman nila ako sa usapan lalo na kung may itatanong ang mga ito tungkol sa amin ni love-love kaya feeling ko tuloy parang mag-asawa na rin kami.


     Sumubo ako ng cake na kinakain ko. Ang sarap siguro ni Jade— ay hindi pala! Ang ibig ko palang saibihin eh ang sarap sigurong matawag na asawa ni Jade. Hehe!


     Kakatapos lang naming mag-dinner at nagde-dessert na lang kaming lahat. Pagkatapos nito eh tutungo na kami sa bar na napagkasunduan nilang puntahan. Malapit lang daw 'yon dito at siyempre kasama ako dahil in-invite rin ako ni Jade.


     Siete! Kinikilig ako.


     Habang sikreto akong kinukuryente dito sa kaniyang tabi ay narinig kong nagsalita ang pinsan ni love-love na ipinakilala nito sa'kin bilang si Amber. Galing ng Amerika si Amber at base sa narinig ko kanina, first time daw niyang pumarito sa Pilipinas.


     "—sabi kasi ni mommy na gusto na niyang manirahan ulit dito kahit ayaw ko."


     May halong pagkainis ang kaniyang boses habang sinasabi ang mga katagang iyon na ikinakunot ng noo ko. Nag-iba kasi bigla ang tono niya kumpara kanina na sweet at masarap pakinggan habang nagkukuwento ng tungkol sa naging buhay nito sa States.


     Pero bakit kaya siya biglang nagalit? Siguro may naiwan siyang boyfriend doon? O baka naman iniisip nitong mahihirapan siyang mag-adjust sa nilipatang lugar? Tahimik kong tanong sa isipan.


     "Ayaw mo bang makilala ang papa mo?"


     Natigilan ako sa akmang pagsubo ng kinakaing cake nang marinig ang salitang papa. Na-curious tuloy ako kaya muli akong nakinig sa kanila.


     "What for? We don't need him, especially me." Mariin at nakailing na sagot ni Amber sa tanong na 'yon ni Paul. Halata rin ang kinikimkim nitong sama ng loob sa taong kanilang pinag-uusapan. "I don't ever wanna meet that shitty asshole na hindi kayang panindigan si mommy." Dugtong pa niya.


     Kaya pala. May daddy issues pala ang isang 'to.


     "Language Amber." Sinaway naman siya ng mahina ni Jade dahil sa pagmumura. "Remember, he's still your father no matter what."


     Tama ka love-love. Kung ako lang siguro ang nasa lugar ng pinsan nito ay baka nagkandarapa na ako makita ko lang ang aking ama. Pero alam kong hinding-hindi na mangyayari 'yon kahit kailan.


     "So Althea," susubo na sana ulit ako ng cake nang marinig ko si Amber na tinawag ako. Dahil doon ay nagkatitigan kami ng matagal sa isa't isa at doon ko lang na-realize na ang ganda pala niya— pero mas maganda pa rin siyempre ang diyosa nitong pinsan na nakaupo sa tabi ko. Pareho ring flawless ang kanilang mga balat at wala silang kapimple-pimple sa mukha. At habang tumatagal ang aming titigan ay napansin kong parang may kahawig ito na hindi ko lang mapagsino.


     Baka artista? Oo, 'yon nga siguro.


     "Hey, are you okay?"


SynthesisWo Geschichten leben. Entdecke jetzt