V:03 Memo

191 18 7
                                    

Synthesis




V:03



Memo
Days descending
Something's missing
What we do not understand
Is what we're often scared to ask
Many questions left unanswered
Failing to start again
Nothing left but a piece of sunshine from a strain


Jade's PoV


Nagligpit kaagad ako ng mga gamit oras na mag-ring ang bell hudyat na tapos na ang mga klase ko for this day. Nagmadali na rin ako para makaalis. Lalabas kasi kami ngayon ng mga pinsan ko kasama si Amber para mag-bonding since Friday na. Pero biglang nanindig ang mga balahibo ko nang may yumakap sa akin mula sa likod.


     "Hi love."


     Masuyong sambit din nito na kilalang-kilala ko kung sino kahit hindi ako lumingon. Amoy pa lang ng perfume niya nakaka-in love na eh. Pero siyempre sinarili ko lang ang aking naisip. Alam ko kasing lalong lalaki ang ulo nitong si Althea kapag nalamang gano'n ang dating ng kaniyang amoy sa akin.


     "Hey, ano ba?" Marahan kong tinanggal ang kaniyang mga brasong nakapulupot sa aking bewang. Ramdam ko pa ang kuryenteng dumaloy sa aking palad nang magdikit ang aming mga balat sa isa't isa pero patay-malisya kong in-ignore iyon habang pasimpleng inilibot ang paningin sa paligid namin. Nang makitang nakalabas na ng kwarto ang lahat ng estudyante ko ay napahinga ako ng maluwag.


     "Relax love-love, tayo na lang ang nandito ngayon."


     "Pansin ko nga. And what the hell are you doing here?" Mataray kong tanong kahit na kinilig ako sa pagtawag niya no'n sa akin.


     Diyos ko, tama pa ba itong nararamdaman ko? In love na yata talaga ako kay Althea.


     "Ang hot mo talaga 'pag nagmumura love. Halika, mag-date tayo."


     Teka! Iwinasiwas ko ang kamay nitong nakahawak na naman sa akin. Bukod kasi sa iniiwasan kong madama muli ang nakakakuryenteng sensasyon na dulot ng paghawak niya ay kailangan kong balikan ang mga gamit ko. Maiiwan kasi ang mga iyon kung magpapadala ako sa bugso ng damdamin.


     "Althea sandali, ang mga gamit ko maiiwan!"


     Tumigil naman ito sa ginagawang pagkaladkad sa akin at tinitigan ako ng namumungay ang mga mata. Ngayon ko lang napansin iyon ah. Ano bang nangyayari sa kaniya? "Are you alright?" Takang tanong ko ng nakakunot-noo pa.


     "Kanina hindi pero ngayon okay na. Nakita na kasi kita eh."


     Inikutan ko siya ng mga mata dahil umandar na naman ang kaniyang ka-kornihan. Pero aaminin ko, kinikilig ako.


     Calm down self. Alam kong napaka-charming ni Althea pero bawal pa ring maging kayo.


     Hindi na ako sumagot, instead ay nagpasya akong kunin na lang ang mga gamit sa mesa. Pero bago ko pa man magawa ay maagap nang kinuha ni Althea ang mga iyon at ngayo'y bitbit na sa mga braso— bumaba ang tingin ko sa kaniyang kanang pulso. Nakita ko kasing may tattoo siya roon.


     Wala sa sariling hinimas-himas ko ang tattoo na parang naa-amaze nang hindi namamalayan.


     Ang ganda. Ano kaya ang meaning nito? Ngayon ko lang na-realize na bagay pala sa kaniya ang may ganito dahil lalo siyang naging 'magandang-pogi' sa paningin ko.


SynthesisOnde histórias criam vida. Descubra agora