II:02 Barcelona

220 16 0
                                    

Synthesis




II:02



Barcelona
Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako sana nga ang itinadhana


Jade's PoV


Wala akong pasok ngayong araw dahil Saturday. I decided na gumala na rin since hindi pa naman nakauwi si David mula sa long-week meeting na dinaluhan nito out of town. I contacted and asked my bestfriend Sally para may makasama sana ako pero busy raw siya kaya I have no choice kundi gumala ng nag-iisa.


     So here I am, strolling alone sa loob ng mall na malapit lang sa bahay namin. I decided to buy na rin some new dresses. Ang tagal na kasi mula nang huli akong nakapag-window shopping.


     I was so busy looking at a pretty dress na naka-display sa isang clothes shop nang bigla akong may nabangga.


     Or rather, binangga ako at talagang sinadya.


     Hinarap ko ang taong bumangga sa akin at tinaasan ito ng isang kilay. "So apparently, you're also stalking me now."


     Bakas sa mukha ni Althea ang pagkagulat habang nakatingin sa akin. Lalo kasing lumaki ang malaki na niyang mga mata. "S-sorry Jade!"


     "Hanggang dito ba naman, sinusundan mo pa rin ako Althea?" Mataray kong tanong sa kaniya. Mukha naman itong kinabahan.


     "Hindi ah!" Depensa niya laban sa sinabi ko.


     "Really? So ano'ng ginagawa mo dito if you're not stalking me?" Patuloy kong bintang. Ngunit para akong kinonsensya agad habang nakatingin sa kaniya. Mukha naman kasi siyang nagsasabi ng totoo, na hindi niya ako inii-stalk.


     "M-may lakad kasi dapat kami ni B-batchi ngayon at dito kami magkikita. Pe-pero nag-cancel siya eh kaya u-uuwi na lang ako." Nauutal nitong sagot. Hindi ko alam pero parang ang cute niya kapag ganito siya, hindi presko at hindi makulit.


     "Really?" Tanong ko ulit. Halatang hindi na rin ito komportable sa paraan ng pagtitig ko sa kaniya. And I admit, it felt good knowing na I have this effect on her. It's like our roles were reversed at ako naman ngayon ang may upper hand sa sitwasyon namin.


     "Si-sige, mauna na a-ako." Kumaway ito ng bahagya saka nagmamadaling naglakad palayo.


     "Hey!" Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag.


     Lumingon naman si Althea na nakakunot ang noo.


     "Let's have lunch together." Oh God! Sana hindi ko pagsisisihan na inaya ko siyang makasabay kumain.


     Tuwang-tuwa itong naglakad pabalik sa kinatatayuan ko. Grabe kasi ang ngiting nakaguhit sa labi niya. Para siyang isang bata na maagang nakatanggap ng regalo bilang pamasko.







     "Ah Jade, tungkol nga pala sa kahapon. Sorry." Pagsisimula ni Althea. Kakatapos lang naming kainin ang pagkarami-rami niyang in-order na pagkain na halos siya rin ang umubos. Hindi ko in-expect na gano'n siya katakaw kumain dahil katamtaman lang naman ang built ng katawan nito. Not that I'm checking her out!


     "Patatawarin kita, wait!" Maagap kong saad. Magsasalita na kasi sana ito kahit hindi pa ako tapos. "Sa isang kondisyon." Mataman ko siyang tinitigan. "Promise me na hinding-hindi mo na ako lalapitan o kakausapin kapag nasa loob tayo ng campus."


          Nagbaba siya ng tingin.


     "Althea," tawag ko sa kaniya ngunit hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakayuko habang nakaupo sa harapan ko.


     Sinubukan ko ulit itong tawagin. "Althea."


     "Yan ba talaga ang gusto mo?" Tanong niya ng nakayuko pa rin.


     Tatango na sana ako ngunit hindi pala siya nakatingin sa akin. "Yes." I answered firmly.


     Narinig ko ang paghugot nito ng isang malalim na buntung-hininga at saka marahas na pinakawalan iyon. Walang ano-ano'y bigla itong tumayo. "Fine. Mauna na ako." Sabi niya saka naglapag ng pera sa mesa.


     "Wait Althea." Tawag ko rito. Ngunit hindi na niya ako nilingon. Mabilis na kasi itong naglakad palabas ng restaurant kaya wala na akong nagawa kundi sundan na lang siya ng tingin.


      Nakonsensya na naman ako sa aking ginawa. Alam ko kasing sumama ang loob niya dahil sa sinabi ko kaya siya biglang umalis at iniwan akong mag-isa.


     Kung may magagawa lang sana ako Althea. Tutulungan talaga kitang mag-move on mula sa akin. Sambit ko sa isipan.


     I decided to go home na rin after that kahit na mag-aala dos pa lang ng hapon. Nawalan na kasi ako ng ganang maglibot-libot ulit pagkatapos umalis ni Althea.


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisWhere stories live. Discover now