II:04 Barcelona

217 14 0
                                    

Synthesis




II:04



Barcelona
Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako sana nga ang itinadhana
Ikaw at ako sana nga ay itinadhana
Ikaw at ako, ikaw at ako sana nga ang itinadhana


Jade's PoV


Pagkarinig kong tumunog ang bell para sa dismissal ng klase for this hour ay agad ko nang niligpit ang aking mga gamit. May isang tao kasi akong kailangang makita para kausapin.


     Just as I was about to go out, may ilang architecture students na dumaan sa labas ng classroom na kinaroroonan ko. Na-recognize ko ang isa sa kanila bilang kaibigan ni Althea kaya tinawag ko ito.


     "Ms. Luna," tumigil ito saglit sa paglalakad. "Have you seen Ms. Guevarra?" Tanong ko nang bahagya siyang lumapit sa akin.


     "Miss, nakauwi na po siya." Nakakamot sa ulo nitong sagot. "Bakit po, may kailangan po ba kayo sa kaniya? Bibigyan ko na lang po kayo ng number ni Althea." Dinukot nito sa bulsa ang cellphone niya para ibigay sana ang number ng kaibigan.


     "Um no, it's okay. I'll just talk to her tomorrow." Dismayado kong tanggi. "Thanks anyway." Sabi ko na lang. Nagpaalam na rin akong mauuna na dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.


     Hinintay ko sa labas ng building si David. Nakabalik na kasi siya kahapon kaya siya na ulit ang humahatid-sundo sa akin.


     Pero habang wala pa siya ay minasahe ko muna ang aking sentido. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang sumakit ang aking ulo. Hindi naman ako nalipasan ng gutom. At nakainom din ako ng kape kanina sa breakfast kaya walang dahilan para sumakit ito.


     "Hon?"


     Nagulat na lang ako when I heard David calling me. Hindi ko namalayan ang pagdating ng sasakyan niya at tumigil sa mismong harapan ko. Nakababa na rin ito from the car at alalang-alala ang mukha na nakatingin sa akin.


     "David?" Sambit ko dahil biglang naging blurry ang aking paningin.


     Tumango siya. "Are you alright, hon?" Tanong nito. Pero hindi ko na nasagot ang kaniyang tinanong dahil bigla na lamang dumilim ang kapaligiran ko.







     Naalimpungatan ako when I heard some people talking in hushed voices sa labas ng kwarto ko.


     ". . . I think, kailangan na nating sabihin kay Jade ang totoo." Okay that's mommy's voice.


     ". . . Huwag muna Amanda. Baka mabigla ang anak natin." And apparently, she's talking to dad.


     ". . . Pero Oscar, si Jade na lang sa ating pamilya ang walang kaalam-alam." Nakinig ako sa kanilang pinag-uusapan. Ako kasi ang kanilang hot topic. And I mean, hot topic talaga since parang nagsisimula na silang mag-away. So, tinawag ko na lang mga ito to stop the impending argument that is about to happen between them.


     "Mommy? Dada?"


     Naunang pumasok si mommy sa nakabukas na pinto ng kwarto ko. "Anak, kamusta na ang iyong pakiramdam?" Agad nitong tanong nang makalapit na siya sa akin.


     "Better now." Maikli kong sagot. Totoo naman kasi eh. I feel better and refreshed after ng tulog kong hindi ko alam kung ilang oras.


     "Ano ba ang nangyari Jade? Ba't bigla ka na lang nawalan ng malay? Buti na lang, nakarating na si David nang mangyari iyon." Sabi naman ni dada.


     "Hindi ko po alam dada. Bigla na lang kasing sumakit ang ulo ko pagkatapos ng last class ko kanina." Paliwanag kong nakakunot ang noo. Naalala ko kasi, minsan bukod sa pananakit ng ulo ay nakakaramdam din ako ng paninikip ng dibdib. Tapos may araw namang parang may gusto akong kainin ngunit hindi ko ma-pinpoint kung ano.


     "Well, mabuti naman at okay ka na anak. Magpahinga ka na lang din muna ha. Magpapadala na lang ako ng pagkain dito mamaya para hindi ka na mahirapang bumaba for dinner." Bilin ni mommy bago siya lumabas ng kwarto ko. Si dada naman ay nanatili muna ng ilang segundo sa kaniyang kinatatayuan at mataman akong pinagmasdan. Pero kalaunan ay nagpaalam na ito ng nakakunot pa rin ang noo at tila may malalim na iniisip.


     Muli akong pumikit ng mata para matulog kahit hindi na ako inaantok. Pero pagpikit ko, mukha ni Althea ang rumehistro sa aking isipan. Napaupo tuloy ako sa kama. Ano ba 'yan? Bakit ba siya biglang pumasok sa isipan ko?


     Siguro nagi-guilty lang ako.


     Hanggang ngayon kasi ay naaalala ko pa rin ang huli naming pag-uusap sa mall. But it's good dahil hindi na niya ako kinukulit. Ang problema lang is that hindi na rin niya ako kinakausap kahit pati sa loob ng classroom. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi ng kaniyang mga kaibigan at hindi na nagpa-participate sa mga discussions na parang hindi ito interesado sa klase.


     Marahil ay tinutupad niya lang ang hiningi ko sa kaniya. Ang iwasan na ako. Pero ang weird lang dahil agad-agad pumayag si Althea sa aking gusto. Dati-rati kasi, hindi nito sinasang-ayunan ang mga pinapakiusap ko kaya bakit kaya bumigay na siya?


     Iyon ang mga katanungang huli kong naisip bago ako muling nakatulog.


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisWhere stories live. Discover now