II:07 Barcelona

229 10 0
                                    

Synthesis





II:07



Barcelona
Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako sana nga ang itinadhana
Ikaw at ako, ikaw at ako sana nga ang itinadhana


Althea's PoV


Bumangon ako mula sa kama at dahan-dahang naglakad papasok sa banyong nasa loob din nitong kwartong tinulugan ko. Kasama ko sa kama ang dalawa kong pinsan dahil dito na ako nagpalipas ng gabi sa bahay ni tita. Naawa kasi ako sa kanila dahil iyak nang iyak ang mga ito matapos kong umuwi kahapon na hindi nakikita ang isang anak ng alaga nilang si Choco. Tuluyan na kasing nawala ang tuta.


     Pagkatapos kong maghilamos ay napatingin ako ng maigi sa repleksyon ko sa salamin. Sinipat kong mabuti ang aking mukha kung may nagbago ba. Pero so far, medyo wala pa naman at saka wala ring eyebags ang ilalim ng mga mata ko.


     Ilang gabi na kasi akong hindi makatulog nang maayos sa kakaisip kay Jade.


     "Argh!" Mahina kong sigaw. Baka kasi magising sina Cassie at Cookie. Ang sarap pa naman ng tulog nila. Umiling-iling ako.


     Jade, kailan ba kita makakalimutan? Tanong ko sa isip.


     Sinusubukan ko na kasi siyang kalimutan. At this time, totoong-totoo na 'to. Nangako na ako sa sarili na hindi ko na siya iisipin. Pero ang letse kong puso, ayaw mag-move on.


     Kinapa ko ang kaliwang bahagi ng aking dibdib kung saan tumitibok ang aking puso saka bumulong. "Tumigil ka na kasi. Pero hindi 'yong literal ha. Ayoko pang matigok." Natatawa kong dagdag. Para tuloy akong sira-ulo. Kinakausap ko na kasi ang sarili ko habang nakaharap sa salamin.


     Ipinasya kong lumabas na ng banyo. Naaamoy ko na kasi ang niluluto ni tita na breakfast sa baba. Mukhang masarap. Nag-react nga kaagad ang tiyan ko eh.


     "O, uuwi ka na ba? Kumain ka na muna." Sabi ni tita pagkakita niya sa akin.


     "Thanks tita, pero nahihiya kasi ako eh." Nakangiti kong biro habang isa-isang tinitingnan ang kaniyang mga hinanda for breakfast. Grabe talaga si tita. Dahil nandito ako ngayon sa kanila eh hinanda talaga nito ang mga paborito kong kainin tuwing umaga.


     "Naku ikaw talaga. Umupo ka na nga riyan." Natatawa nitong utos sa akin. "'Yong dalawa tulog pa ba?" Tanong niya.


     "Oo eh. Dinamdam talaga nila ang pagkawala ni Cupcake." 'Yon kasi ang pangalan ng tutang nawala. Natawa rin ako nang tanungin ko kung anong mga pangalan ng tatlong naiwan. Sina Shortcake, Spongecake at Poundcake naman daw sila. "Hayaan mo tita, babalik ako mamaya para hanapin ulit si Cupcake. Pakisabi na lang po kina Cassie at Cookie na 'wag masyadong mag-aalala."


     "Haynaku, 'wag mo na lang sanang intindihin 'yon. Baka may nakahanap na no'n eh, mahirapan ka lang."


     "Pero tita, kawawa naman 'yong tuta. Paano kung wala palang nakakita sa kaniya tapos palaboy-laboy lang 'yon sa daan at masagasaan?" Nalulungkot kong saad. Naaawa naman kasi talaga ako para sa aso lalo na 'pag naiisip kong mag-isa lang itong naglalakad sa gilid ng daan.


     "Tsk! Sige, ikaw ang bahala." Nakangiti nitong sabi saka naupo na sa harap ko. Nagsimula na rin kaming kumain. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na ako sa kaniya na uuwi.


     "Tita, pwede ba akong makitulog ulit dito mamaya?"


     "Cha, hindi mo na kailangang magpaalam. Welcome na welcome ka dito sa amin. Tandaan mo 'yan ha." Uminit ang puso ko dahil sa sinagot niya kaya niyakap ko ito.


     "Salamat ulit tita."


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisWhere stories live. Discover now